Bagong taon, Bagong buwis
AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche (Pilipino Star Ngayon) - January 1, 2018 - 12:00am

BAGO ang lahat, bumabati ako ng isang masagana, maka-diyos at mapayapang 2018 sa lahat. Kung tutuusin, hindi naman ang taon ang nagbabago kundi ang situwasyon na nakapaloob sa taon. Dapat din na ang mga taumbayan ang nagtatamo ng positibong pagbabago sa kanilang mga puso para sa kaunlaran ng Inambayan.

Halimbawa, ipatutupad na sa taong ito ang  batas sa pagreporma ng tax system sa bansa. Maraming ordinaryong empleyado ang natutuwa dahil wala na silang babayarang buwis. Tataas ang kanilang take-home pay. Pero sigurado naman na kahit mataas ang take-home pay ng mga common employees, tataas din ang presyo ng mga bilihin.

Isang realidad na kailangan ng pondo ng bansa para maitaguyod ang mga programang pangkaunlaran na ang makikinabang ay tayo ring mga mamamayan. Kaya mula sa mga ordinaryong mamamayan, inilipat lang ang pagsingil ng buwis sa mga produktong tiyak na makakaapekto sa presyo ng mga pangunahing kalakal tulad ng diesel, elektrisidad at LPG. Apektado pa rin ang ordinaryong mamamayan. Matagal ko nang pinupuna iyan pero isa itong kondisyon na hindi maiiwasan ng isang bansang nagsisikap na umunlad.

Madalas ko ngang sabihin na okay lang ang buwis kung ito ay mapupunta sa kabutihan ng mamamayan tulad ng health services, education at iba pang basic needs ng mamamayan. Pero kung ang pondong bayan ay nawawaldas sa katiwalian, kalunus-lunos naman tayong mga common tax payers.

Ang mga negosyante ay walang problema. Tumaas man ang buwis na sinisingil sa kanila, babawiin naman nila ito sa presyo ng kanilang mga paninda na ibinebenta sa taumbayan.

Kaya idalangin natin na ang programa ni Presidente Duterte sa pagsugpo ng graft and corruption sa pamahalaan ay magtagumpay. Kung walang mandurugas sa pera ng bayan, tiyak, ang buwis na ibinabayad ng mamamayan ay magbubunga ng mga maayos na kalsada, maraming school buildings at iba pang serbisyong kinakailangan lalu na ng mga mahihirap.

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with