Mag-ingat sa paggamit ng paputok
KUNSABAGAY - Tony Katigbak (Pilipino Star Ngayon) - December 31, 2017 - 12:00am

MAGANDANG balita na sana ang nabasa ko dahil hihigpitan na ng gobyerno ang nagbebenta ng paputok. Pero nakakadismaya dahil hindi pa sumasapit ang Bagong Taon meron ng mga bata. Oo nga’t alam nating lahat na tuwing sasapit ang Bagong Taon ay maraming naaaksidente sanhi ng iba’t ibang uri ng paputok pero iba ngayon may butas na pumipigil na magbenta at gumamit ng illegal na paputok. Ang tanong ko lang, magkakaroon kaya ng ngipin ang batas na ito?

May mga kababayan tayong umaray ng maisabatas na ang pagbawal gumamit ng paputok. Nawalan daw sila ng mapagkakakitaan. Para sa akin, mas mabuting mawalan sila ng trabaho sapagkat puwede pa silang maghanap ng ibang uri ng pagkakakitaan kaysa ‘yung mga naputukan na nawalan ng daliri, kamay, nasunog ang buong katawan ay hindi na maibabalik ang normal na buhay, habambuhay na nilang dala-dala ang karanasang sanhi ng paputok. Mahirap na silang makahanap ng trabaho di ba?

Alam ko na ang pagpapaputok tuwing maghihiwalay ang taon ay naging tradisyon na ng bawat isa sa atin. Parang hindi kumpleto ang bagong taon kung walang paputok. Lalo na yung mga nakakaluwag sa buhay hindi sila papayag na hindi gumamit ng paputok ngayong sasapit na Bagong Taon. Makakahanap ng paraan ang mga ‘yan upang makabili ng illegal na paputok. Meron lang din makakaligtas na gagamit ng paputok. Tayong mga Pinoy saksakan ng titigas ng ulo.

Ang pagpapaputok tuwing Bagong Taon ay parte na ng ating buhay kaya hindi agad-agad maiaalis ito sa atin at least, mabawasan man lang taun-taon ay okey na.

Manigong Bagong Taon sa inyong lahat!

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with