P1-milyong multa sa pasaway na drivers
(Pilipino Star Ngayon) - December 12, 2017 - 4:00pm

MGA drivers ng public utility vehicles, pakinggan niyo ito. Plano ng mga Mambabatas sa Mababang Kapulu­ngan na itaas sa isang milyong piso ang multang baba­yaran ng mga pasaway na bus drivers na nagbababa at nagsasakay sa hindi tamang lugar. Totoo namang isa sa pangunahing dahilan iyan sa pagkakabuhol-buhol ng trapiko lalu na sa EDSA.

Ayon kay House Metro Manila Development Committee chairman Winston Castelo, dapat taasan ang multa ng mga bus drivers hanggang isang milyon sa mga lalabag sa no loading and unloading policy. Boto ako sa panukalang iyan. Baka sakaling mangilag nga ang mga drivers sa pagsuway sa batas. Pero dapat ding isailalim sa screening­ ang mga pumapasok na traffic enforcers o traffic police dahil baka maging dahilan pa iyan para lalung tumaba ang kanilang bulsa. Siyempre, hindi na tatanggap ang mga iyan ng lagay na isandaang piso lang lalu pa’t ang parusa sa mga lumalabag sa batas trapiko ay isang milyong piso na.

Puwede pa siguro kung “no contact apprehension” ang ipatutupad. Ibig sabihin, yung mga lumalabag na nakunan sa mga nakatalagang CCTV camera ay hindi huhulihin ng mga enforcers pero darating na lamang sa kanilang bahay o tanggapan ang kanilang citation na kailangang bayaran ng malaking halaga.

Sa bill ni Castelo, itataas sa kalahating milyon ang multa ng mga ganitong walang disiplinang bus drivers sa first offense at itataas ito sa isang milyong piso para sa second offense.

Kung umulit pa sa pangatlong pagkakataon ay kakan­selahin na ang prangkisa ng bus.

Sinabi pa ng kongresista na kailangang maturuan ng leksyon ang mga pasaway na bus driver para hindi na lumala pa ang sitwasyon sa lansangan lalo na dito sa Metro Manila.

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with