‘Binatang maysakit sa pag-iisip, hinataw ng tubo sa mukha!’
BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo (Pilipino Star Ngayon) - December 10, 2017 - 4:00pm

ANG protektahan ang sambayanan at magbigay serbisyo sa mamamayan ang pangunahing tungkulin ng kapulisan. Pero sa totoo lang, hindi lahat ng mga pulis pinangangatawanan ang tungkuling ito.

Tulad na lamang ng nangyari sa El Nido Palawan. Isang binatang may sakit sa pag-iisip ang pinag-tripan. Binangga ng motorsiklo sabay hinataw ng bakal na tubo sa mukha at katawan. Dahil sa insidente, nalamog ang mukha ng pobre. Sa tindi ng pagkakabugbog nabasag ang kanyang ribs at bungo.

Agad na nag-report ang pamilya ng binata sa El Nido police station. Pero ang mga kumag na pulis, tinamad ata! Binalewala ang reklamo at itinaboy sa barangay ang kaso. Susmaryosep! Kung ‘di ba naman mga sang­katerbang ob-ob at mga eng-eng ‘tong mga ‘to. Halos mamatay na ang biktima pero ang mga pulis, dedma!

Pinabayaang makatakas ang gagong suspek at motorsiklo lang ang kinumpiska. Kung tutuusin hindi lang ito simpleng kaso ng pambubugbog. Kung nag-imbestiga lang kayo, nakita n’yo sana ang anggulong frustrated homicide o ‘di kaya naman frustrated murder. ‘Eto namang hepe ng El Nido police station na si Major Lodel Lota, isa pang aanga-anga. Mga tao na niya ang nagkamali, pinagtatanggol pa niya! ‘Di ko malaman kung mga imbestigador ba talaga ‘to o mga embalsamador.

Isa pa ‘tong PNP Director ng Palawan na si Supt. Gabriel Lopez, ‘di ko maintindihan kung inaantok ba o tala­gang matamlay lang. Walang kalatoy-latoy kausap at parang tinatamad. Siguro natutulog to sa pansitan habang nagkakamot ng kanyang lawlaw na bombolyas.

Susko po! Ganito ba talagang ang mga pulis sa El Nido? General Bato, pakisilip nga ‘tong mga kapulisan natin dito. Mukang may kailangan kayong disiplinahin para matuto. ‘Di naman kami galit sa mga pulis. Sa katunayan, pro-PNP nga kami sa Kilos Pronto. Marami pa rin namang matapat na lespu at may prinsipyo. Sadya lang talagang may iilang baluktot at tamad na kailangang sampolan.

Kaya payo ni BITAG sa mga kapulisan, tigilan n’yo na ang mga kalokohan dahil ‘pag sa amin pa nakaabot ‘yan siguradong mayroon kayong kalalagyan.

Philstar
Facebook
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with