^

PSN Opinyon

Anemia: Anong dahilan at solusyon

DOC WILLIE - Pilipino Star Ngayon

MARAMING Pilipino ang may anemia o anemic. Marami sa mga buntis, kababaihan, may edad at sanggol ang may anemia. Ang anemia ay isang kondisyon kung saan kulang ang pulang dugo (red blood cell) sa katawan. Ang pulang dugo ang nagdadala ng oxygen sa buong katawan.

Para malaman kung ikaw ay may anemia, magpakuha ng complete blood count (CBC) para makita ang lebel ng hemoglobin at hematocrit sa dugo. Kapag mababa ang iyong hemoglobin, puwede kang makaranas ng panghihina, pagkahilo kapag tumatayo, paghingal at palpitasyon.

 Mga dahilan ng anemia:

1.  Kulang sa nutrisyon ang iyong kinakain. Baka ku­lang ka sa mga pagkaing mataas sa iron at vitamins tulad ng karne at berdeng gulay.

2. May anumang pagdurugo sa katawan. Sa mga babae, puwedeng malakas ang iyong pagregla. Mayroon ding nagiging anemic sa pagdurugo mula sa almoranas o ulcer sa tiyan.

3.   Ang mga kabataan ay puwede maging anemic dahil kulang ang kanilang kinakain o baka may bulate sa tiyan. Ang gatas ay kulang sa iron at kailangang kumain ang mga bata ng isda, karne at gulay para maging malusog.

4.   Apat sa 10 buntis ay anemic. Dahil dito, kailangan nilang uminom ng iron at folic acid supplements.

5.   Sa mga taong may pangmatagalang sakit, marami ang nagiging anemic. Suriin kung may iba pang sakit sa loob ng katawan.

Solusyon sa anemia:

1. Magpatingin sa doktor para malaman ang dahilan ng anemia. Kapag may pagdurugo sa iyong katawan, kailangan itong magamot. May gamot para sa ulcer, almoranas, malakas na regla at iba pang sakit.

2. Kapag mababa talaga ang lebel ng hemoglobin sa dugo, minsan ay nirerekomenda ng doktor na magpasalin ng dugo.

3. Kung bahagya lang ang kakulangan sa dugo, puwedeng uminom ng Iron tablets tulad ng ferrous sulfate tablet at multivitamins na may dagdag iron. Ipaalam muna ito sa doktor bago inumin.

4. Kumain ng mga pagkaing mataas sa iron. Mataas ang iron sa atay ng baka, karneng baka, baboy at manok. Makukuha rin ang iron sa maberdeng gulay tulad ng spinach, malunggay, kangkong, at talbos ng kamote.

5. Mag-healthy lifestyle. Kumain ng masustansiya at matulog nang sapat. Itigil ang paninigarilyo at pag-inom ng alak. Magpa-blood test at kumunsulta sa iyong doktor para siguradong healthy ka.

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with