^

PSN Opinyon

Sex: Pampahaba ng buhay?

DOC WILLIE - Pilipino Star Ngayon

ITO ang mga nilalaman ng mga bagong pagsusuri tungkol sa sex:

1. Ang taong nakikipag-sex ng tatlong beses bawat linggo ay mas hindi inaatake sa puso at na-i-stroke. Oo, posibleng makahaba ng buhay ang sex, lalo na kapag nagpa-practice ka ng safe sex.

2. Kapag itinaas mo ang iyong pagse-sex, mula sa isang beses bawat buwan at ginawa mong isang beses bawat linggo, mas tataas ang kasiyahan mo sa buhay.

3. Sa kabilang dako, ang unsafe sex, o iyong pagtatalik sa maraming partner ay puwedeng magbawas ng anim na taon sa iyong buhay. Ito’y dahil sa peligro ng sexually-transmitted diseases.

4. Ayon sa isang pagsusuri sa Japan, ang mga lalaking nakikipagtalik sa hindi nila asawa ay mas nagkakaroon ng istrok. Ang istrok ay ang pagbabara ng ugat sa utak at napaparalisa ang katawan.

5. Ang mga babaing nag-e-enjoy sa sex ay mas humahaba ang buhay kumpara sa mga hindi nag-e-enjoy.

6. Kailangan ng babae ng mas mahabang foreplay o iyong matagal na preparasyon bago mag-sex at orgasm.

7. Ito ang nangyayari sa katawan habang nagse-sex. Bumibilis ang tibok ng puso. Lumalaki ang pupils (iyong itim sa gitna ng mata). Bumibilis ang paghinga at lumalaki ang butas ng ilong. Bumubuka ang daanan ng pawis (sweat glands). Lumalaki ang suso ng babae ng 25% at ang utong (nipples) ay humahaba ng kalahating pulgada. Dumadami rin ang daloy ng dugo sa labi, ilong at sexual organs.

8. Ang pagtatalik ng limang minuto ay nagtatanggal lang ng 20 calories sa ating katawan. Ngunit ang pagtatalik ng 30 minuto ay nag-aalis ng 200 calories. Mas maraming ehersisyo ang makukuha sa matagal na pagtatalik.

9. Para malaman kung kaya mong mag-sex, subukang umakyat ng 2 floors. Kapag hiningal ka pagdating sa itaas, ibig sabihin ay kulang sa kondisyon ang iyong katawan, at baka mahirapan ka sa sex. Pero kung baliwala sa iyo ang 2 floors, puwedeng-puwede ka sa sex.

10. Ang pagmamasahe ng paa ay nakatutulong sa sex. Nakaka-excite ito sa babae. Ang iba pang lugar na nagpapa-excite ay ang batok, ang mga daliri, ang nipples at ang sexual organs.

11. Para ganahan sa sex, kailangan matahimik na lugar at maganda ang paligid. Ayon sa pagsusuri, baka makatulong din ang tsokolate, kape, at amoy ng baby powder sa sex drive. Puwede itong subukan. Good luck.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with