^

PSN Opinyon

Sinkholes ano’ng pinagmumulan?

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

PARAMI nang parami ang natutuklasang sinkholes sa mundo. Bigla na lang nabubutas nang malalim ang lupa, na maaring ika-aksidente ng tao. Sa Mexico City kamakailan kumakaskas ang van sa highway nang big­lang nahulog sa sinkhole. Sa Candelaria, Zambales, nu’ng nakaraang taon bigla raw bumagsak ang lalim ng buhangin sa pampang ng dagat, na ikinasira ng beach resort.

Ano ba ang pinagmumulan ng sinkholes?

Anang mga eksperto, ang sa Mexico City daw ay erosion nang malaking drain, nakabaon nang 50 piye (15 metro) sa kahabaan ng highway. Sa kalumaan ng drain, gumuho ang mahinang konkreto, at lumundo ang lupa na tinangay ng tubig na dumadaloy sa drain.

Ang sa Zambales daw ay nagmula sa erosion ng isang bukal na nabarahan dahil sa pagtayo ng mga gusali. Merong mga umaangal na dahil daw ito sa pagmimina ng nickel sa pamamagitan ng pagtibag ng mga bundok, na ikinamatay ng gubat at ilog.

May mga sinkholes sa malalaking lungsod sa America at Europe. Karamihan ay dahil sa malakihan at malawa­kang paghigop ng tubig sa ilalim ng lupa para sa deep wells ng mga malls at skyscrapers. Dahil nauubos ang tubig sa ilalim na nagdadala ng lupa, lumulundo ang mga bato at nabubutas ang itaas.

May mga sinkholes din na nagmumula sa bigat ng mataas na gusali na itinatayo sa malalambot na lupa. Napupuwersa ang lupa sa kinatatayuan ng gusali. Lumulubog ito nang paunti-unti. Natutulak at gumuguho ang malalambot na lupa sa tabi.

Sa madaling salita, ang mga sinkholes ay dahil sa mga kagagawan ng tao sa kalikasan. Kailangan pag-aralan ng geologists, at engineers ang mga proyekto kung makakasira sa natural na kaayusan.

* * *

Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM).

vuukle comment
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with