‘Hoy bubwit, panggulo ka talaga!’
BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo (Pilipino Star Ngayon) - May 1, 2017 - 12:00am

SINO kaya itong bubwit na bumubulong o nagpapayola sa New York Times at umariba na naman ng banat kay Pres. Rodrigo Duterte?

Aba’y mantakin n’yong sabihing sapat na ang mga ebidensiya laban kay Duterte para papanagutin ito sa kanyang krimen na ginagawa sa bansa. Tinutukoy pa rin ng pahayagan ang war on drugs ng Presidente na idinidikit sa extra judicial killings.

Sa editoryal ng New York Times kamakailan, hinihimok nito na magsanib puwersa ang mundo para ipahiya si Duterte sa pag-e-expose ng kanyang pamamahala sa bansa. Idamay na rin daw ang buong Pilipinas at patungan ng mataas na buwis ang mga produkto natin para masaktan at matauhan ang Presidente.

New York Times, seryoso? Ganyan katindi ang galit n’yo sa lider ng aming bansa na hindi naman kayo ang naninirahan dito at hindi apektado?

Lintek ang maperang bubwit na ito na nagbibigay ng maling balita sa international media. Sigurado akong kakulay n’yo rin ang pinagkukuhanan ng “balu-baluktot” na impormasyon.

Obserbahan n’yong maigi ha, ‘yung mga dilawang media dito sa Pilipinas ay halos magkahalintulad ang laman ng kanilang mga balita at opinion sa tema ng mga bumabanat na international media. Kunsabagay, editorial naman ‘yan. Ibig sabihin opinyon at hindi factual ang mga impormasyong nilalaman. Pero try to read between the lines, masyado namang obvious ang estilo ng panggigiba nila.

Matagal na ako sa industriya ng investigative jour­nalism at napakadali sa akin makita kung iisa ang pinaggaga­lingan ng source. May mga kasamahan kami talaga sa media  na “for whatever reason”, pabor talaga sila sa dilawan. May ipinaglalaban? Baka. May adbokasiya? Puwede. May prinsipyo? Magkano?

Hoy bubwit na nandiyan sa Amerika at may mga kampong bayaran dito, manahimik ka na! Nais mong ipahiya ang Presidente pero ikaw ang nakakasuka, Pilipino ka pa naman.

Tumigil ka na nga! Imbes na tumulong kayo sa progreso ng bansa, nanghihila kayo pababa. Sinabi na mismo ng Liberal Party na may mga mas importanteng isyu na dapat pagtuunan ng pansin para sa ikauunlad ng Pilipinas.

Wala pa ngang isang taon sa pamumuno ang kasalukuyang administrasyon panay na ang sulsol mo at iyong mga kakulay na nakatuwad pa ang kukote. Shut up, panggulo ka talaga eh!

NEW YORK TIMES
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with