Basta ayaw na ni Misis(Huling bahagi)
IKAW AT ANG BATAS - Jose C. Sison (Pilipino Star Ngayon) - April 23, 2017 - 12:00am

TATLONG TAON pagkatapos umalis ni Glenda at habang hindi pa siya bumabalik galing Dubai, nagsampa ng petisyon sa RTC si Greg para sa pagpapawalang bisa ng kanilang kasal. Hindi sumagot si Glenda at hindi rin nagpakita sa mga hearing kahit pa nagpadala ng notice ang korte sa pamamagitan ng substituted service sa kanyang tiyahin. Matapos ang paglilitis at base sa testimonya ni Greg, Lito at ng psychologist ay pinagbigyan ang petis­yon ni Greg at pinawalambisa ang kanilang kasal dahil sa tindi ng “Narcissistic Personality Disorder” ni Glenda. Permanente raw ito at walang lunas.

Pero nabaliktad ang desisyon nang umapela sa Court of Appeals ang gobyerno sa pamamagitan ng Office of the Solicitor General. Legal daw at nananatili ang kasal ng dalawa. Ang kailangan daw sa kaso ay mental na kakulangan at hindi pisikal na kawalan ng taong sangkot para gampanan ang kanyang tungkulin bilang isang asawa. Sa kasong ito raw, hindi porke nangaliwa ang babae, hindi sila magkasundo ng mister, iresponsable at emotionally immature ay sapat na ito para mapawalambisa ang kasal at pagbigyan ang petisyon ni Greg. Tama ba ang CA?

Oo. Ayon sa Supreme Court, ang “psychological incapacity” ay tumutukoy sa pinakagrabeng personality disorder na ating maiisip. Dapat ay umabot ito sa punto na wala na talagang ipinakikitang pagpapahalaga sa kasal ang pambabalewala at pagiging manhid sa pangangailangan ng asawa. Kailangan na grabe at talagang walang lunas ang pinakikita ni Glenda. Hindi porke immature, pasarap buhay at irresponsible ang babae ay huhusgahan na hindi na niya kayang magpakita ng pagmamahal, respeto at pagtitiwala kay Greg. Hindi rin ito sapat para sabihin na may  psychological incapacity siya. Ayon sa Article 36 ng Family Code ay normal lang na ayaw lang talaga niya ng responsibilidad ng isang asawa pero hindi ito dulot ng anumang sakit sa pag-iisip. Hindi lang tugma ang personalidad ng dalawa pero hindi ito senyales ng psychological incapacity.

Dapat din tandaan na hindi sapat ang ulat at opinion ng psychologist sa pagkakaroon ng psychological incapacity ni Glenda base lang sa impormasyong ibinigay sa kanya ni Greg. Natural na pabor para sa kanya ang impormasyong ibibigay. Wala itong ipinagkaiba sa pagtanggap o pagpapatotoo ng hearsay evidence (Vinas vs. Vinas, G.R.208790, January 21, 2015).

MISIS
Philstar
Facebook
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with