Ang mga terorista nasa Metro Manila na
KUNSABAGAY - Tony Katigbak (Pilipino Star Ngayon) - March 26, 2017 - 12:00am

Nakakatakot ang ibinunyag ni PNP chief Dir. Gen. Ronald “Bato” dela Rosa na nakapasok na sa Metro Manila ang Maute terrorist group na kaalyado na ngayon ng Abu Sayyaf at Islamic State of Iraq and Syria (ISIS). Kung maaalala n’yo ang Maute ang nagpasabog ng bomba sa Davao night market, at sila rin ang naglagay ng bomba sa harap ng US embassy sa Roxas Boulevard. Ang mga teroristang ito ay malalakas ang loob maghasik ng lagim. Wala silang pakialam kahit madamay pa ang mga inosenteng sibilyan.

Handa na silang pumatay at mamatay. Isang halimbawa ay ‘yung pag-atake ng teroristang ISIS sa Paris, France napakaraming inosenteng tao ang nadamay at nung nakaraang araw umatake sila sa London, UK, nakapatay sila ng isang pulis at meron ding mga nasugatan. Ang hindi ko maintindihan kung bakit ang mga teroristang ito ay isinisigaw ang Allah. Ito ba ang gusto ni Allah, ang pumatay ng kapwa? Alam din kaya ng mga taong ito kung sino si Allah? Hindi naman yata tama yan dahil marami rin naman akong kaibigang Muslim na mababait at sagrado sa kanila ang pangalang Allah.

Nang manalo si US Pres. Donald Trump, agad niyang pinangalanan ang mga bansang kaalyado ng mga terorista at sinabi nya na ang Pilipinas ay bansang pugad ng mga terorista. Para sa akin bakit kaya hindi maubus-ubos ang mga gagong ito? Nagtutulong-tulong na ang mga puwersa ng mga malalakas na bansa sa mundo ay hirap pa rin silang pulbusin ang mga terorista. Ang pinaka-nakakatakot ay meron silang tinatawag na “Lone Wolf”.

Kailangang paigtingin ang kampanya laban sa mga terorista. Huwag tigilan ni Digong ang pag-atake sa mga terorista sa Mindanao. Napakalakas ng mga loob na winawagayway ang bandila ng ISIS sa Sulu at Basilan. Kaya dapat pulbusin na ang lahat ng mga terorista sa ating bansa.

METRO MANILA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with