EDITORYAL - Linisin muna ang LTO saka maghigpit sa driver’s license
(Pilipino Star Ngayon) - March 22, 2017 - 12:00am

MUNGKAHI ng isang abogado na higpitan umano­ ng Land Transportation Office (LTO) ang pagbibigay ng lisensiya sa mga driver. Ginawa ng abogadong si Ariel Inton ang mungkahi nang marinig ang komento ni Senator Tito Sotto na mahigit daw sa kalahati ng mga driver sa kasalukuyan ay mga istupido o tanga. Sabi ni Inton, wala raw pinanghahawakang talaan si Sotto para sabihing istupido ang nakararaming drivers sa kasalukuyan pero mayroong katotohanan ang sinabi nito. Ayon kay Inton, maraming driver ngayon ang walang sapat na kaalaman sa pagmamaneho pero nakakuha ng lisensiya. Kaya nga ang kanyang mungkahi ay maghigpit ang LTO sa pagbibigay ng lisensiya sa mga driver. Kung maghihigpit ang LTO, maiiwasan ang mga malalagim na trahedya na kadalasang nangyayari kung ang driver ay walang sapat na kaalaman sa pagmamaneho.

Pero nalilimutan yata ni Inton na kaya nakaka­kuha ng driver’s license ang mga hindi marunong o walang sapat na kaalamang mag-drive ay dahil na rin sa mga corrupt na empleado sa LTO. Mara­ming corrupt sa LTO at ginagawa ang lahat para kumamal ng pera. Dahil sa kanilang pagkagahaman o katakawan, ang mga napapahamak ay ang publiko. Dahil naaprubahan ang lisensiya ng isang nag-aplay na driver kuno, agad nagmaneho. Sumabak agad kahit wala pang kakayahan. Ang nangyari, inararo ang mga pedestrian at maraming namatay. Mayroon pang mga sinasagasaang bahay dahil nawalan ng preno, pero ang totoo, nataranta habang nagmamaneho. Walang kasanayan pero nabigyan ng lisensiya.

Ang dapat imungkahi ni Inton ay magkaroon ng revamp sa LTO. Sibakin ang mga empleado o opis­yal na “nasusuhulan” para madaling makakuha ng driver’s license. Kung hindi ganito ang gagawin, magpapatuloy ang mga malalagim na aksidente dahil ang mga driver ay walang kasanayan. Kaila­ngang idaan sa masusing pagsasanay at pagsu­bok ang mga kukuha ng lisensiya. Ipatupad ito ng LTO at dapat simulan ang pagbabago sa kanilang tanggapan.

LTO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with