_ngayon
^

PSN Opinyon

Presentasyon lang?

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

Hindi ko maintindihan ang kalakaran ng ilang banko at supermarket. May mga banko na may tatlo hanggang limang teller, pero isa o dalawa lang ang may tao. May ilang supermarket naman na may 15 hanggang 20 istasyon, pero tatlo o apat lang ang may kahera. Kahit maraming taong nakapila para magbayad ng bilihin o mag-tran­saksyon sa banko, hindi naman nalalagyan ng tao ang lahat ng kanilang istasyon. Para saan pala ang maglagay ng maraming istasyon kung hindi naman lalagyan ng tao?

Sa NAIA naman, may mga istasyon kung saan puwedeng kumuha ng mainit o malamig na tubig. Pero ilang beses ko na rin nakita na wala naman lamang tubig ang mga istasyon. Nakarinig pa nga ako ng hindi magandang salita mula sa isang dayuhan nang malaman na wala palang tubig ang istasyon. Napansin ko rin na may mga “walka­lator” na hindi naman umaandar. Para saan pala ang mga iyan?

Lumalabas na magaling lang sa presentasyon, pero hindi sa implementasyon. Sa ibang bansa, hindi ganyan ang kalakaran. Laging may kahera na maninilbihan sa iyo, laging may teller na mag-aasikaso sa iyo. Sa airport, lahat nang escalator at walkalator ay laging umaandar. Mahalaga na mabigyan ng magandang serbisyo ang mga kostumer. Dito ba ganyan din ang paniniwala ng mga kompanya, o mas importante ang kita nila? Hindi ko matanggap na kulang ang empleyado, lalo na sa banko at supermarket, dahil malalakas naman sila kumita at kaya nilang magpasahod ng empleyado. Kaya ano ang dahilan?

Nasa ugali ba nating mga Pilipino ang maga­ling lang sa simula? Kapag tumatagal ay nagi­ging pabaya na sa lahat? Naaalala ko ang LRT-2 noong bago. Malinis, malamig ang aircon, lahat gumagana. Ngayon, halos lahat ng stasyon ay sira ang elevator. Paano pala kung mga may kapansanan ang gustong sumakay ng LRT? Kaila­ngan silang buhatin para makasakay lang? Kung nasa maayos ang lahat ng kagamitan, nabibigyan ng maayos na serbisyo ang lahat, at nasusulit ang mga ginastos para ilagay ang mga kagamitan na iyan. Lumalabas na sayang lang kung hindi nagagamit o napapakinabangan nang husto.

SUPERMARKET
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with