^

PSN Opinyon

Sibakin ang mga tiwaling pulis

KUNSABAGAY - Tony Katigbak - Pilipino Star Ngayon

PARA sa akin tumpak ang ginawa ni President Digong sa mga tiwaling pulis na iprisenta sa kanya ni PNP chief Dir. Gen. Ronald “Bato” dela Rosa. Nakatikim ng matinding galit at katakut-takot na mura ang mga pulis at sinabihan na kung ayaw magbitiw sa kanilang puwesto ay ipapadala sila sa Sulu at doon makipagbakbakan sa mga Abu Sayyaf na ngayon ay kaalyado na ng Islamic State of Iraq and Syria (ISIS).

Mapapasubo sa laban ang mga tiwaling pulis na kapit-tuko sa puwesto. Dapat lang silang ipain sa mga bandido. Doon nila ipakita ang kanilang tapang sa Sulu, tingnan lang natin kung magagamit pa nila ang kanilang angas sa mga bandido. Itong mga tiwaling pulis ay nagbibigay ng masamang imahe sa ating mga kababayan. Kahit na bumaba ang moral ng PNP Malaki pa rin ang tiwala ko sa mga alagad ng batas dahil mas marami pa rin sa kanila ang gina­gawa ng tama ang kanilang trabaho. Kaya lang ang problema natin ang mga tiwaling pulis ay laging laman ng pahayagan at telebisyon.

Sang-ayon ako sa sinabi ni Digong na linisin muna ang organisasyon bago bumalik sa dating gawi na manghuli ng mga kriminal, gaya ng kanilang laban sa droga at iba pang klaseng krimen. ‘Yan talaga ang dapat na trabaho ng mga alagad ng batas ang panatilihing ligtas ang ating bayan, hindi yung sila pa ang nangungunang gumawa ng krimen.

Tulad ng sinabi ko sa mga nakaraan kong kolum, tama ang ginagawa ni Digong na sugpuin ang droga sa ating bansa. Para rin sa ating lahat ito lalo na sa ating mga kabataan. Huwag sanang pakinggan ni Digong ang mga sinasabi ng mga grupong bumabatikos sa kanya laban sa kampanya nya sa droga, tulad ng Amnesty International (AI) at Commission on Human Rights (CHR). Huwag na sana silang makialam sa programa ni Digong.

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with