Hindi dapat magbitiw si ‘Bato’
KUNSABAGAY - Tony Katigbak (Pilipino Star Ngayon) - January 22, 2017 - 12:00am

HUWAG naman nating husgahan agad si PNP chief Director General Ronald “Bato” dela Rosa. Para sa akin maganda naman ang ipinakita niya bilang pinakamataas na pinuno ng PNP. Ayon kay “Bato” tayong mamamayan at mga turista sa bansa ay ligtas na sa paglalakad sa lansangan lalo na sa gabi. Kahit si President Digong ay ipinagmamalaki niya na maganda ang performance ng ating mga alagad ng batas. ‘Yung iba ay nagbubuwis ng buhay para lang masugpo ang kriminalidad sa bansa.

Malaki ang tiwala ni Digong kay “Bato”, matagal na silang magkakilala sa Davao City. Alam niya na tapat ito sa tungkulin kaya iniluklok sa puwesto. Hindi ko kilala si “Bato” pero may nakapagsabi sa akin na mapagpakumbaba at may magandang kalooban ang taong ito.

Dito sa Kongreso, maraming puro dakdak kulang naman sa gawa. Itong si Speaker Pantaleon Alvarez, pinagbibitiw niya si “Bato” sa puwesto. At bakit naman? Kayong mga kongresista, ang sarap ng buhay n’yo. Nakaupo sa aircondition offices at namumuhay nang marangya habang ang mga pulis natin ay ginagawa ang kanilang mga tungkulin.

‘Yun nga lang pinatay ng mga pulis ang isang Korean businessman sa loob mismo ng Camp Crame. Hindi naman kasalanan ni “Bato” ‘yun. Bakit kayong mga nasa mataas na puwesto, alam n’yo bang lahat ang ginagawa ng mga tauhan n’yo?

Sinusuportahan ko si “Bato”. Kahit na ano ang sabihin ng ilang matataas na tao diyan at kahit binabatikos siya ngayon sa social media, buo pa rin ang tiwala ko sa kanya.

Siya ay magandang halimbawa na opisyal ng gobyerno na dapat tularan.

PNP CHIEF DIRECTOR GENERAL RONALD “BATO” DELA ROSA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with