Miss U Pageant mag-aangat sa Pinas
AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche (Pilipino Star Ngayon) - January 19, 2017 - 12:00pm

TSANSA na ng Pilipinas na patunayan sa daigdig na ang bansa ay isang namumukod tanging destinasyon para sa mga turista ngayong tayo ang host para sa pinaka-prestihiyosong beauty pageant ng daigdig na Miss Universe. Huwag lang sanang may maganap na malagim na trahedya gaya ng tero­rismo. Ipagdasal natin lahat iyan. Kaya naman naka­latag ang lahat ng security measures para manga­laga sa pambansang seguridad.

Para kong nakikinita na ang bawat Pinoy na nasa ibang bansa ay taas ang noo sa pagiging Pilipino nila dahil sa napipintong event na ito.

Balita ko, lubhang impressed ang mga kandidata­ ng Miss Universe Pageant mula sa iba’t ibang bansa sa mga napuntahan na nilang lugar, kagaya ng Vigan City sa Ilocos Sur. All praises daw ang may dalawampung naggagandahang kandidata sa kanilang nakita sa naturang lalawigan.

Walang pasubaling tatatak ang event na ito sa kasaysayan ng daigdig lalu pa at ang reigning Miss Universe ay ang ating ipinagmamalaking si Pia Wurtzbach.

Sabi nga ni Ilocos Sur Governor Ryan Singson, malaking oportunidad ito para sa lalawigan para magmarka sa larangan ng world tourism na mala­king factor sa pag-aangat ng kabuhayan ng lalawigan at ng buong bansa. Bakit nga hindi? Pagpasok mo pa lang sa lalawigang ito ay para kang nag­lakbay pabalik sa nakaraan. Naririyan pa ang mga orihinal na bahay-kastila bukod pa sa iba’t ibang magagandang tanawin. Perfect tourist destination, wika nga.

Kaya hinikayat ng gobernador ang mga kababayan nating Ilocano na ipakita sa mga dayuhang daragsa sa lalawigan ang ipinagmamalaki nating Filipino Hospitality at iba pang magandang kaugalian para muling maibalik sa mapa ng daigdig ang Pilipinas bilang kahangahangang bansa.

MISS U
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with