Kung buhay ka lamang
ANG DIOS MIINGON - Dadong Matinik (Pilipino Star Ngayon) - January 1, 2017 - 12:00am

Kung ang mga lider nitong ating bansa

Ay tulad ni Rizal ang puso at diwa,

Itong bayan nati’y laging masagana

Pagka’t di iisip ng masamang gawa!

 

Itong si Ibarra at si Maria Clara

Dapat tularan ng nobyo at nobya;

Sa pagmamahalan sila’y naiiba

Pagka’t sa pag-ibig sila’y pambihira!

 

Kung ang kabataa’y tulad ni Elias

sa “Noli” at “Fili” bagama’t marahas

Laging nasa diwa kabutihang lahat

Itong ating bansa’y maligayang ganap!

 

Pilosopong Tasyo kung kaya nabantog

Ang kanyang isipan ay lubhang matayog;

Siya ang tanungan ng dukha at bantog

Sa mga problema ay laging may sagot!

 

Si Sisa ang naging simbolo ng lahi

Na sa bawat oras ay inaaglahi;

Marami ang Sisang sa ngayon ay sawi

Pagka’t napawalay sa asawa’t binhi!

 

May mga tao ring kapwa Pilipino

Na s’yang nang-aapi sa bawa’t segundo;

Nangyari kay Crispin saka kay Basilio

Pawang kasalanan ng kalahi nito!

 

Kaya Dr. Rizal kung buhay ka lamang

Tiyak na masaya itong bayan;

Ikaw yaong sulo na siyang tatanglaw

Sa magulong diwa nitong sambayanan!

RIZAL
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with