^

Punto Mo

Ingat sa sunog!

WHAT MATTERS MOST - Gus Abelgas - Pang-masa

Kapansin-pansin ang sunud-sunod na insidente ng sunog na nagaganap sa iba’t ibang dako sa Metro Manila.

Nangyari ang mga insidenteng ito ngayong papalapit nang papalapit ang pagdiriwang ng Bagong Taon,  kung saan tumataas ang insidente ng mga sunog.

Kadalasang pinagmumulan ng sunog sa ganitong panahon ay mga sinindihang paputok, lusis at mga pailaw. Maging sa mga lutuan ay ang napabayaang mga kalan.

Ilan mga paghahanda ang itinakda ng mga kinauukulan para matutukan ang mga insidente ng sunog.

Kahapon binuksan na Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa mga personnel ng Bureau of Fire Protection (BFP) ang MMDA Metro Base.

Pansamantalang tinurn-over ng MMDA sa BFP ang kanilang Metro Base para agad na mamonitor ng mga sunog sa pagdiriwang ng  Bagong Taon.

Maglalagay ang BFP, National Capital Region (NCR) ng kanilang mga equipment sa loob ng MMDA Metro Base para sa monitoring.

Ipinatupad na rin  ng BFP ang “Oplan Paalala” simula pa noong buwan ng Nobyembre ng taong kasalukuyan sa pamamagitan ng pag-iikot ng mga ito sa mga komunidad upang paalalahanan ang mga residente laban sa paggamit ng  paputok.

Maglalagay din naman ng Marine Fire Station ang MMDA sa Pasig River, ito ay nasa 1 hanggang 2 ferry na  may nakatalagang mga kagawad ng BFP para   anumang oras ay makapagresponde  sa posibleng sunog .

Base sa tala ng BFP, nasa 555 na ang naitalang insidente ng sunog ngayon lamang buwan ng Disyembre sa buong bansa.

Gayunman, malaki pa rin ang ibinaba nito kumpara sa nagdaang taon sa kaparehong buwan na mahigit sa 1,000 insidente ng sunog.

Pero eto, inaasahan pa rin na posibleng tumaas pa ng bahagya ang bilang ng sunog sa taong ito lalu na nga at bukas ay sasalubungin na ang Bagong Taon, na dito nakaaleryo ang mga awtoridad.

Kaya nga ibayong pag-iingat pa rin ang dapat na maisagawa ng ating mga kababayan para na rin sa kaligtasan ng lahat.

vuukle comment

METRO MANILA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with