^

PSN Opinyon

Kahanga-hangang pinuno ng BSP

KUNSABAGAY - Tony Katigbak - Pilipino Star Ngayon

ISA sa mga hinahangaan kong opisyal ng gobyerno ay si Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) Governor Amando “Say” Tetangco. Siya ay personal kong kaki­lala. Noong nakaraang araw, naimbitahan kami sa isang hapunan kasama ang iba’t ibang editor at colum­nist ng mga pahayagan. Si Gov. Say ay isa sa mga pinakamagaling at tapat sa kanyang tungkulin bilang tagapangalaga ng ating yaman. Mabuti na lang at muli siyang napili ni President Digong na ipagpatuloy ang kanyang trabaho sa BSP. Ang Presidente ay gusto ring amyendahan ang Central Bank Charter. Ito ay magiging pinuno siya ng BSP ng 18 taon. Si Gov. Say ay hinahangaan bilang isa sa pinakamagaling na pinuno ng Banko Sen­tral sa buong mundo. Sa katunayan siya ay pinagka­looban ng grade “A”.

Siya ay inalok ng isang magandang posisyon at malaking suweldo para hawakan ang monetary policy sa ibang bansa pero hindi niya tinanggap. Hindi siya nasilaw sa laki ng suweldong inalok sa kanya, mas gusto niyang magsilbi sa ating bayan. Siya ay isang tunay na makabayan.

Ang isa pang opisyal ng gobyernong hinahangaan ko ay si Finance Sec. Carlos G. Dominguez. Personal niyang nirekomenda kay President Digong na kung ma­aari ay ipagpatuloy ni Gov. Say ang kanyang pamumuno sa BSP, dahil nakita niya kung paano nito paha­la­gahan ang pera sa ating bayan.

Masuwerte tayo mga kababayan dahil mayroon dalawang taong matapat at masipag na namumuno sa ating bansa. Dapat natin silang suportahan sapagkat sila ay totoong tao. Ginagawa nila ang lahat nang kanilang makakaya para sa ikakaunlad ng ating bansa.

Isang masaganang Bagong Taon sa inyong lahat!

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with