Bagong anyo, bagong sigla
Bagong anyo, bagong sigla
REPORT CARD - Ernesto P. Maceda Jr. (Pilipino Star Ngayon) - December 2, 2016 - 12:00am

“ALAM mo kung nasa Maynila ka na.” Ito ang bukambibig noon ng isang kaibigan tuwing lulan ng sasak­yan patungong Maynila. Kapag galing sa mga business district ng karatig lungsod o bayan, alam mong nasa Maynila ka na dahil biglang sumikip, dumilim at nag­laho ang disiplina. Kulang na lang sabihin na ang ikinararangal na “Pearl of the Orient” ng Asya ay isa nang patay na lungsod.

Maaring totoo ito noon. Subalit hindi na ngayon. Dahil ngayon ay nabawi na ng Maynila ang dati nitong anyo at sigla. Kung dati ay parang nalosyang ang hitsura, ngayon ay pag-asa ang makikita mo sa mata ng taga Maynila.

Ang dapat pasalamatan dito ay si President Mayor Joseph E. Estrada. Mula nang maupo noong 2013 at muli ngayong 2016, ang pang-araw araw na realidad ng ating Kapitolyo ay reporma. Ang gaan ng trapiko nang ipatupad ang kanyang truck ban; ang mga public market ay maganda pa sa mga pribadong palengke at ang lilinis ng banyo. Wala sa ibang higanteng lungsod ng Metro Manila ang may kasinglaki na social welfare budget gaya ng Maynila –  anim na city hospitals at dalawang lokal na pamantasan.

Itong nakaraang dalawang linggo ay muling kinilala ng lipunan ang mga hakbang ni Mayor: dagdagan ang mga street lights sa lungsod (pampaaliwalas at pa­ngontra rin sa krimeng naitatago ng kadiliman) at ang kanyang paghigpit sa mga traffic enforcers (pinatalsik lahat upang mapagpilian ng mga nangongotong). Isusunod dito ang pagtugis sa mga barangay official na pinapadrino  ang illegal transport terminal  (pakiuna na po ang Pandacan transit bus na pinuproteksyunan habang ginagawa nitong terminal ang tapat ng Universidad de Manila Annex Bldg. sa Sta. Cruz, Manila). 

Hindi madali ang mga repormang pinapatupad ng mayor. Sa katunayan, marami siyang naaapakan. Subalit kailan ba naging madali ang pagbabago? Mabuti na lang at hindi iniinda ni Mayor ang kritisismo ng mga tinatamaan. Mapalad ang Maynila na ang kanilang Mayor at ang kanyang kamay na bakal ay nakatutok sa pangmatagalang interes ng kinasasakupan at hindi nagpapadala sa palakpak ng mga panandaliang kursunada lang ang ipinaglalaban. 

JOSEPH E. ESTRADA MAYNILA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with