^

PSN Opinyon

Golf ang hilig ng ‘Bagitong Hepe’ ng San Pedro

TRENDING - Tony Calvento - Pilipino Star Ngayon

DALAWANG ARAW ko ng naiisulat itong tungkol kay ‘Boy Lugaw’ at ‘Bagitong Hepe’ ng San Pedro.

Hanggang ngayon hindi pa naaaksiyonan ang pagbeberipika mula sa korte kung saan napakadali namang kumuha ng kopya ng warrant. Ang gagawin mo lang ay pumunta sa clerk of court at ipakita ang case number.

Maaalala na ang pinaghihinalaan kong kumuha ng aking baril ay ang aking driver na si Victor Gallanosa na paiba-iba ang address subalit nakuha ko mula sa isang kaibigan sa Comelec ang voter’s id na siya ay nakarehistro na botante sa Brgy. 62-A (Kangkong A) Cavite City.

May reklamo din ang isa kong kasambahay tungkol sa kakaibang usok na naaamoy nila mula sa kwarto nina Victor Gallanosa kaya inireklamo ko ito sa ‘Bagitong Hepe’ na si Supt. Harold Depositar.

Hinamon ko rin sila na kung handa silang magpa-drug test. Pumayag si Victor Gallanosa. Nakitaan ng Methamphetamine ang resulta kaya ipinadala sa Department of Health (DOH)  para sa confirmation.

Maliban sa natakasan sila nitong si Victor Gallanosa matapos ilibre ng lugaw si PO3 Hum Lloyd Esperon marami pang problema dito sa San Pedro tulad ng talamak ang bentahan ng droga at magmula ng siya ay maupo ay wala namang malaking accomplishment na naireport ito kay PNP Director Gen. Ronald Bato dela Rosa.

Baka magulat na lamang ang aming Mayora na si Hon. Lourdez Cataquiz na meron na palang laboratoryo dito. Sinabi ko na marahil hindi na maaaksyonan ito at tama nga ang hinala ko.

Matapos udyukan itong si Victor Gallanosa na pumunta sa isang radio program bastat binitiwan na lang ang kaso.

Bakit ko nasasabi yan? E ang galing naman nitong Bagitong Hepe. Kahapon nang bandang alas singko ng hapon habang office hours ay nasa KC Filipinas na dating TAT Filipinas at anong ginawa nitong Bagitong Hepe? Naglaro ng golf.

Hindi niya makakaila dahil pati ang suot niya naka polo shirt siya na parang blue at cream pants kompleto sa golf shoes ay pumapalo siya sa golf course dun.

Kasama niyang naglalaro ay isang Superintendent ng Bacoor, Cavite na si Christopher “Chris” Olazo. Ang galing naman ng dalawang ito habang binabayaran sila ng pera nating mga tax payers para gawin ang kanilang mga trabaho pa golf golf na lang.

At kung kulang pa ito, itong Bagitong Hepe ang dala-dalang kotse ay ang official car na in-issue ng munisipyo na may red plate na SJV 446. Ito’y ni-report sa amin ng isang nagngangalang “Annie” na nandun sa golf course.

Naglaro sila ng 18 holes at sila na nga ang pinakahuling umalis.

Sinong nagbabantay ng bayan ng San Pedro? May hepe kang hindi matawagan dahil madalas sarado ang telepono ay marahil nag-gogolf ito.

Tinanong ko itong si Annie kung paano siya nakakasiguro na ito nga si Supt. Harold Depositar. Kilala nga raw siya ng mga caddie dun at maliban pa dun sa kanyang golf bag ay naroon ang kanyang mga golf gloves.

Tinanong ko rin kung paano niya alam na kay Bagitong Hepe na si Depositar ang mga gamit na yun. Nakita niya sa tag na binibigay ng mga KC Filipinas at nakasulat dun Harold Depositar at ganun din naman yung kay Col. Chris Olazo.

Itinawag ko ito sa dating Mayor at asawa ng incumbent Mayor na si Calixto Cataquiz at tinawagan niya si Depositar at ang sabi sinamahan niya lang ang taga region at hindi siya naglaro.

Ito’y malaking kasinungalingan. Ihaharap ko siya sa mga caddie dun at tamaan na sana ng kidlat kung sino ang nagsisinungaling.

Magtago ka na baka makuryente ka. Habang nag-gogolf si Depositar madaming problema sa San Pedro, laganap ang pagtutulak ng droga at meron ding napapatay.

Ang gulo ng ginagawang tulay sa palengke at buhul-buhol na ang traffic doon na alam naman natin na hindi natatakot ang driver ng jeep, ng traysikel at iba pang motorista sa mga traffic enforcer. Kaya’t nagkawindang-windang na ang daan sa highway ng San Pedro.

Nalipat na ba ang problema ng EDSA sa bayan ng San Pedro ha Mayor Cataquiz?

Nung kasagsagan na nawawala ang baril na nagkakaimbestigasyon ay hindi na siya makausap dahil patay ang telepono niya. Sabi ng imbestigador na si PO3 Esperon may bisita kasi ang Bagitong Hepe na si Depositar.

Sino kaya ang bisita? Baka nasa isang club ito at umiinom? Nagtatanong lang. Golf sa araw gudtym sa gabi. Ang sarap ng buhay nito na hindi ko maintindihan bakit itinalaga ni PNP Gen. Dela Rosa itong si Depositar.

Kung talagang interesado ka na makita ang performance sa kanyang 1st 100 days Gen. Bato, bakit hindi mo hilingin ang kanyang report para ma-ipublish sa ngalan ng isang patas at balanseng pamamahayag.

Sa golf may tinatawag na handicap. Ano ang handicap kaya nitong Bagitong Hepe na si Depositar?

“Lumalabas na pabaya siya sa trabaho niya kaya naman  itinawag ko sa inyo ang paglalaro nitong si Supt. Depositar ay dahil alam kong office hours at ang gamit niya ay isang red plate na sasakyan,” mariing sinabi ni Annie.

Maaaring makasuhan ito, kakausapin ko ang aking abogado itong Bagitong Hepe na si Depositar na sampahan ng administratibong kaso sa Philippine National Police at sa Ombudsman para sa hindi niya paggawa ng kanyang trabaho (dereliction of duty). Dun mo sagutin yang mga akusasyon ko sa ‘yo.

Kung meron ka pang ‘sense of duty’ itong Bagitong Hepeng ito. Minsan ko pang ipa-publish ang mga record na nanggaling sa NBI. Alam mo naman ang dapat mong gawin.

SA MGA BIKTIMA NG KRIMEN o may problemang ligal magtext sa 09198972854, 09051090451 at sa gustong maka-usap ako ng diretso sa 710-3618. Maaari ding i-like ang www.facebook.com/tonycalvento.

Hotline: 09198972854

Tel. No.: 7103618

vuukle comment

BOY LUGAW

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with