EDITORYAL - Buwagin ang CIDG
(Pilipino Star Ngayon) - November 11, 2016 - 10:36pm

HALATANG-HALATA na mayroong itinatago ang mga opisyal ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG)-Region 8 nang humarap sa pagdinig ng Senado noong Huwebes ukol sa pagkakapatay kay Albuera, Leyte Mayor Rolando Espinosa Sr. Napatay si Espinosa sa loob mismo ng selda nito sa Baybay provincial jail. Lumaban umano si Espinosa at ang kasamang inmate sa CIDG team na magsisilbi ng search warrant dakong alas kuwatro ng madaling araw noong Nobyembre 5. Isisilbi ang warrant dahil mayroon daw bentahan ng droga at may mga baril si Espinosa.

Dalawampung pulis ang kasama nang magsilbi ng warrant. Nang ayaw buksan ng jailguard ang gate, ginamitan nila ng  boltcutter at nakapasok sila sa loob at doon na nagsimula ang barilan. Nanlaban daw si Espinosa at kasamang inmate na si Raul Yap kaya ito binaril.

May mga hindi tugma at “butas” ang mga paha­yag at report ng mga opisyal ng CIDG na humarap sa imbestigasyon. Kaduda-duda ang kanilang mga pahayag at may mga lapses. Sabi ni Sen. Panfilo Lacson, premeditated ang pagpatay sa mayor at kasama nito. Pinagplanuhan ang mga gagawin. Ga­nito rin ang sinabi ni Sen. Richard Gordon, na ilang beses nagtaas ng boses sa isang opisyal ng CIDG.

Sabi ni Lacson, isa sa ipinagtaka niya ay nang tumawag na ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) ang isang team member isang oras bago ang raid nila sa selda ni Espinosa. Ayon kay Lacson­, parang alam na raw ng raiding team na mayroong mamamatay sa loob.

Hindi nakumbinsi ang mga senador sa mga testimonya ng CIDG officials. Kaduda-duda talaga ang ginawa ng raiding team na bakit kailangan pang silbi­han ng search warrant gayung nakakulong na nga ang mayor. At nakapagtataka rin kung bakit alas kuwatro ng madaling araw. Pinagtakhan din ang pagkawala ng disc ng CCTV.

Nawalan ng kredibilidad ang buong CIDG. Na­ging bahid sa PNP ang grupong ito na halatang malaki ang kinalaman sa pagpatay kay Espinosa. Dahil dito, malaki ang paniwala na kaya pinatahimik ang mayor ay para wala na itong ikanta. Sana naman, magkaroon ng saysay ang imbestigasyon at maparusahan ang mga sangkot. Buwagin na rin ang CIDG na ginagamit sa hindi magandang paraan.

EDITROYAL
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with