Congressman vs. Congressman sa Congress
ORAMISMO - Butch M. Quejada (Pilipino Star Ngayon) - November 1, 2016 - 12:00am

KAMAKAILAN sa hearing ng House Committee on Charter Change nagkapikunan at nagkaduruan sina Surigao del Sur Butch Pichay at Surigao del Norte Ace Barbers akala natin magkakasapakan sila.

Sabi nga, sayang hindi natuloy!

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, taksan, taksan of madlang tv viewers ang nakapanood sa inasal ng dalawang maton na kongresista.

‘Ano ang naging aksyon ng kongreso tungkol dito?’ tanong ng kuwagong nagwawala.

Sagot-wala pa!

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, nag­reklamo sa Ethics Committee si Rep. Butch versus Rep. Ace.

‘May mangyayari ba?’ tanong ng kuwagong SPO - 10 sa Crame.

Kamote, yan ang .....

Abangan.

• • • • • •

Mga batang gala sa Bgy. Kapitolyo, Pasig City

IBINULONG ng isang reklamador sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang mapait na naging karanasan nito last Sunday evening dyan sa isang lugar sa may East Capitol Drive Barangay Kapitolyo, Pasig City.

Bakit?

Sagot - ginasgas ng mga batang gago este mali gala pala ang kotse niya ng mag-park siya ilang hakbang ang layo sa resto na kinainan ng pamilya niya sa nasabing lugar.

Ayon sa sumbong, ang dahilan lamang ay hindi siya nagbigay ng pera sa mga batang gago este mali gala pala ng kulumpulin ito ng halos sampung bata.

Sabi ng reklamador, maganda ang lugar dahil nakakatuwa kasi sangkaterba ang kumakain sa mga resto pero mahirap lang ang paradahan.

‘Safe ang sasakyan kung sa may rest ka makakaparada dahil may lookout este mali may guardya pala ang resto at walang hassle na may mga batang gala ang manghihingi ng pera.’ sabi ng nagsumbong.

Ayon sa mga kuwago ng ORA MISMO, talagang dinadayo ang mga resto sa Barangay Kapitolyo dahil masasarap ang ibang pagkain dito.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, dapat mag-patrol ang mga barangay sa lugar para naman hindi magkaroon ng sakit ng ulo ang mga dumadayo rito sa mga batang gago este mali gala pala.

‘Ang dami nila para silang langgam dahil nga maliliit ang mga batang gala pero ang problema may tiplak ang utak ng iba lalo’t hindi ka nagbigay ng pera,’ sabi ng kuwagong SPO-10 sa Crame.

Ika nga, gabi nasa galaan pa ang mga ito,

Nananawagan ang mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, sa mga burungoy kawatan na itaboy na nila pauwi ang mga batang gago este mali gala pala para hindi na makaperwisyo pa sa ibang madlang dayo.

‘Bakit hindi mo kasi binigyan ng tsapit ang mga ito para walang problema sana ? Ok lang kung dalawa o tatlo sila pero ang dami nila pangkat-pangkat.’ sabi ng kuwagong alalay.

Ika nga, pulutong!

Tanong - ano ang mainam gawin?

Sagot - agahan ang curfew dahil mga paslit ang mga ito from 5 to 10 ranging ang edad nila.

‘Paano kung may mga lasing na nag-inuman sa resto at ganito ang ginawa ng mga batang gago este gala pala?’ tanong ng kuwagong naagrabyado.

Kamote, mga burungoy kawatan ang pasagutin mo dyan!

Abangan.

CONGRESSMAN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with