^

PSN Opinyon

Walang alyansa

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

WALANG alyansang militar ang Pilipinas at China­. Ito ang tiniyak ni Pres. Rodrigo Duterte kay Japanese Prime Minister Shinzo Abe nang mag-usap sa Tokyo. Malinaw na nabahala ang Japan sa mga maaanghang na batikos ni Duterte sa US nitong mga nakaraang buwan, pati ang kanyang pahayag sa Beijing na hihiwalay na ang bansa sa US sa larangan ng militar at ekonomiya. Malakas na kaalyado ng Japan ang US sa maraming bagay, partikular sa seguridad ng bansa at rehiyon.

Nagpahayag din kasi si Duterte na sang-ayon­ siya sa joint military exercises ng Pilipinas, China at Russia, habang pinatitigil na ang mga ehersisyo kung saan kasabay ang mga sundalo ng US. Tila nagsusunog ng kandila ang admi­nistrayon para kanselahin na ang EDCA, VFA at Mutual Defense Treaty. Sinundan pa ng pahayag kailan lang ang gusto niya ay wala nang dayuhang sundalo sa bansa sa loob ng dala­wang taon. May mga Amerikanong sundalo pa sa Mindanao, kararating lang nga ayon sa Western Mindanao Command. Wala pa naman daw opisyal na utos na paalisin na ang mga Ame­ri­kano. 

Nangako rin si Duterte na kabalikat ng Japan ang Pilipinas pagdating sa mga isyu sa South China Sea. Hindi pababayaan ng Pilipinas ang Japan. Siguro puwedeng sabihin na hindi ilalag­lag ang Japan. Alam ko ang mga isyu na iyan. May mga sariling problema ang Japan sa China hinggil sa teritoryo. Ayon kay Duterte, pagda­ting ng tamang panahon, kung kailan man iyan, ang iiral ay ang desisyon na inilabas ng Permanent Court of Arbitration, kung saan wagi ang bansa sa kaso laban sa China. Kaya kung ano ang basa nito ng Beijing ngayong may ilang bil­yong dolyar ng pautang at puhunan ang pinagkasunduan na sa pagitan ng Pilipinas at China ay hindi pa natin alam.

Masabi ko lang. Matindi ang ginawa ng US sa Japan noong World War 2. Dalawang beses binagsakan ng atomic bomb ang Hiroshima at Nagasaki. Agad namatay ang higit 100,000 tao sa mga siyudad na binagsakan. At ang epekto ng radiation dahil sa uri ng sandata ay naramdaman ng ilang taon, ilang henerasyon. Taun-taon, ginugunita ang pagbabagsak ng atomic bomb sa dalawang siyudad. Ang Japan pa lang ang tanging bansa na ginamitan ng atomic bomb. Pero malakas at matibay ang alyansa ng Japan at US ngayon.

vuukle comment

ALYANSA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with