Metro Manila walang terror threat sa undas
MANILA, Philippines – Kaugnay sa paggunita ng Undas sa susunod na linggo ay walang natatanggap na ‘terror threat’ ang National Capital Region Police Office (NCRPO) sa Metro Manila.
“We don’t receive any terror threat. Maayos naman po ang ating seguridad sa Metro Manila. However, we are not discounting that aspect,” pahayag ni NCRPO Spokesperson Chief Insp. Kimberly Molita.
Ang pahayag ay ginawa sa gitna na rin ng mga ulat na nagpapaikot-ikot lamang ang mga bandidong Abu Sayyaf Group (ASG) mula Zamboanga, Cebu, Negros Oriental at maging sa Metro Manila.
Binuo na rin ang Joint Task Force-NCR upang tiyakin ang seguridad ng publiko sa kabuuang 99 sementeryo sa iba’t ibang bahagi ng Metro Manila.
Mahigpit ding babantayan ang pantalan, terminal ng bus, MRT, LRT station, mga pook dasalan at iba pang mga matataong lugar.
- Latest