^

PSN Opinyon

Isyu ng NAIA ‘worst airport’ kasalanan ni Honrado

ORA MISMO - Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

HINDI nailagan ng bagong pamunuan ng Manila International Airport Authority ang nakakahiyang issue sa buong mundo nang lumabas sa isang travel website na ang NAIA ay number 5 bilang ‘worst airport’ sa Asia from number 8.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, lumala ang isyung pinag-uusapan natin ng mabalitaan ng madlang people of the world ang ‘tanim-laglag bala’ extortion racket noong panahon ni dating MIAA general manager Bodet Honrado, ang kamag-anak Incorporated ni P. Noy.

Sangkaterba ang panawagan noon ng madlang people at mga mambabatas na sibakin na sa puesto si Honrado sa kapalpakan na nangyari sa NAIA siempre kasama rin dito si DOTC Secretary Jun pabaya este mali Abaya pala.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, pinagkibit balikat lamang ni Honrado ang sigaw ng madlang public at mga mambabatas dahil hindi nakumbinsi si P. Noy na tanggalin siya sa puesto.

Siempre kadugo!

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, noong panahon ni Bodet media ang kanyang sinisisi sa kapalpakan niya sa NAIA porke magaling daw gumawa ng balita ang mga ito para ikasira niya. Hehehe!

Sabi ng mga kuwago ng ORA MISMO, si Bodet ang nagbigay ng kahihiyan sa Philippines my Philippines dahil sa mga kapalpakan nangyari sa paliparan.

Kaya lang Kamag-anak Incorporated kaya stay put ito!

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, sa panahon ni Honrado lamang nangyari na ang mga pasaherong umaalis at dumarating sa NAIA ay nangangatog dahil sa malalang problema sa NAIA tungkol ito sa usapin ng ‘tanim-laglag bala’ extortion racket.

Sabi nga, may kulong at hindi biro ang kaso sa mahuhulihan ng bala sa NAIA.

Ang balitang ito ay kumalat at naging talk of the world halos araw-araw maraming kinakabahang mga pasahero hindi lang madlang pinoy kundi maging mga banyaga ay inaatake ng nerbiyos sa kanilang pag-alis sa NAIA.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, pakuya-kuyakoy lamang si Honrado sa kanyang opisina dahil hindi raw totoo ang mga nangyayaring balita.

‘Ayon lumaki ng husto ang isyu at nataranta na rin ang kanyang mga alipores sa paliparan at siempre ang kanyang bayarang spokesman.’ sabi ng kuwagong malandi.

Ika nga, hindi na mapigilan ang pangyayari halos araw-araw ay may nabibiktima mga kawawang pasahero?

‘Pati nga si P. Noy ay napaniwalang boladas ang mga naglalabasan sa media.’ sabi ng kuwagong bobo.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, hindi lang sa ‘tanim-laglag bala’ extortion scam napahiya ang Philippines my Philippines kundi pati sa isyu ng pagbagsak ng kisame, maruming paliparan, mabahong banyo, palpak na aircon system, blackout, pagbaha sa loob ng paliparan etchetera,echetera.

Sa survey released ng ‘The Guide to Sleeping in Airports,’ ang mga reklamo ay halos nasa itaas na kaya mas mabuting husgahan na lamang ito ng riding public.

‘Ang masama ang mga kapalpakan ni Honrado ay tumama lahat ngayon sa bagong adiministrasyon.’ sabi ng kuwagong manunumbat.

Sinabi ni Ed Monreal, bagong MIAA general manager, gumanda na ang NAIA pero aniya ito ay inaayos pa nilang mabuti lahat ng mga palpak ay itinutuwid nila sa kanilang termino.

Abangan.

Media vs Police

NANANAWAGAN ang mga kuwago ng ORA MISMO, na magsagawa ng malaliman imbestigasyon sa ginawang pagposas at pagkulong ni PO2 Stephen Purganan kay Olan Bola,radio reporter ng GMA/DZBB. Take note, CPNP Bato dela Rosa, Sir!

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, nag-ugat ang insidente ng interbiyuhin ni Olan ang testigong guardya na nakakita sa nangyaring hit and run dyan sa isang lugar sa Antipolo.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISO, nabastos diumano ang pulis dahil kinakausap nito ang guardya ng sumingit at pinagtatanong ni Olan ang eye witness.

Naku ha!

‘Kanya-kanyang trabaho iyan Mamang pulis!’ sabi ng kuwagong SPO - 10 sa Crame.

Ayon sa asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ini-radyo ni Olan ang pangyayari kausap ang eye witness para kahit papaano ay maharang ang suspect sa hit and run.

‘Nagpunta sa ospital si Olan para makuha ang pangalan ng biktima para sa follow up report nito pero andoon din si Purganan na lalong nagalit sa kanya ng makita siyang muli kaya pinosasan ang pobreng alindahaw at ang pinakamasama pa ay ikinulong ito sa karsel.’ sabi ng kuwagong Kamote.

Bakit?

‘Kinasuhan ni Purganan ng ‘obstruction of justice’ si Olan pero sinampahan din ng kaso nito ang pulis na ‘illegal arrest.’

Ano ang mangyayari dito?

Sagot - tiyak may matatanggal.

‘Ano sa palagay mo General Bato?’ tanong ng kuwagong inapi.

Abangan.

NAIA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
no session for state
no session for code
no session for id_token
no session for user