Pag-iingat at respeto sa kalsada
K KA LANG? - Korina Sanchez (Pilipino Star Ngayon) - June 11, 2016 - 12:00am

ISANG lalaking nakabisikleta ang nabundol sa EDSA-Caloocan noong Miyerkules ng umaga. Namatay ang biktima. Papasok sana sa trabaho. Base sa mga naka­kita ng pangyayari, isang closed van ang nakabundol sa na­kabisikleta. Ayon drayber ng van, bigla raw sumingit ang nakabisikleta kaya hindi na naiwasan ng van. Mabilis siguro ang takbo kaya hindi nakaiwas. May mga testigo pang nagsabi na tatakas pa sana ang van, pero inabot ng mga otoridad. Kakasuhan na siya ng “reckless imprudence resulting in homicide.”

Ito ang peligrong hinaharap ng mga nakabisikleta sa kalsada. Marami na rin ang gumagamit ng bisikleta para makarating sa kani-kanilang destinasyon, dahil na rin sa matinding trapik. Pero ang mga pangunahing kalsadang katulad ng EDSA ay peligroso talaga para sa kanila. Hindi maiiwasan ng ilang sasakyan ang magpatakbo ng medyo mabilis kapag nabigyan ng pagkakataon. Dapat parehong nag-iingat ang mga motorista at nakabisikleta.

Walang argumento na parehong may karapatang gumamit ng kalsada. Kailangan lang mag-ingat, lalo na para sa mga nakabisikleta at sila ang dehado talaga kapag nasangkot sa aksidente. Ang naganap na aksidente sa EDSA ang patunay niyan. Kinakailangan ay marunong din gumamit ng tama ang nakabisikleta, at hindi biglang lumilipat ng hanay sa mga malalaking kalsada tulad ng EDSA.

May mga isinusulong na “bike lanes” sa Metro Manila. Dapat mapatupad ito. Kailangan din bigyan ng respeto ng mga motorista ang mga nakabisikleta, dahil mas peligroso nga naman ang kanilang sitwasyon. Kung tutuusin, mas nakakatulong ang mga nakabisikleta sa kalikasan dahil hindi sila gumagamit ng anumang gatong na dumadagdag lamang sa polusyon ng lungsod. Kapag nakakita na ng nakabisikleta sa kalsada, bigyan ng nararapat na espasyo para hindi malagay sa peligro. Pero ganun din, kailangan din malaman ng mga nakabisikleta ang hangganan nila pagdating sa trapik. Kailangang mag-ingat. Hindi rin dapat palipat-lipat ng hanay, tulad ng ginagawa ng maraming nakamotorsiklo. Ilang aksidente kung saan sangkot naman ang motorsiklo ang nagaganap araw-araw dahil sa hindi pag-iingat, at tila laging sila ang may karapatan sa daan.

CAGAYAN ROAD MISHAP
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with