EDITORYAL - Maisasaayos na ang agri sector?
(Pilipino Star Ngayon) - May 19, 2016 - 12:00am

ISA ang sector ng agrikultura na hindi gaanong napagtuunan nang papaalis na Aquino administration. Sa kabila na dalawa ang itinalagang Agriculture secretaries  --- Proceso Alcala at Kiko Pangi­linan --- walang gaanong naabot ang sector na ito at patuloy na umangkat ng bigas ang bansa. Sa kabila na laging sinasabi ni President Aquino sa kanyang State of the Nation Address (SONA) na hindi na raw mag-aangkat ng bigas at mag-eexport pa, kabaliktaran naman ito ng mga nangyari. Sa SONA noong 2010 sinabi ni P-Noy: “Sa agrikultura, makapagtatayo na tayo ng mga grains terminals, refrigeration facilities, maayos na road networks at post-harvest facilities. Kung maisasaayos natin ang ating food supply chain sa tulong ng pribadong sektor, sa halip na mag-angkat tayo ay maari na sana tayong ma­ngarap na mag-supply sa pandaigdigang merkado.”

At noong SONA 2011. “Hindi po buwenas lang ang nangyaring pag-angat ng ating rice producti­vity. Bunga po ito ng matinong pamamalakad: ng paggamit ng maiinam na klase ng binhi, at masusi at epektibong paggastos para sa irigasyon.”

Walang nagkatotoo rito. Pawang imahinasyon ni Alcala at napaniwala niya ang Presidente. Bukod sa hindi naging produktibo ang mga palayan dahil sa kawalan ng patubig, magandang binhi at tulong sa mga magsasaka, nilumpo rin ng mga rice smugglers ang local na magsasaka. Nawalan ng saysay ang pagpapakuba ng mga magsasaka sapagkat sa halip na ang bilhin ay ang kanilang ani, ang smuggled na bigas mula China ang nasa merkado. Mas mura kasi ito. Naging kawawa ang mga magsasaka na walang napakinabang sa sariling ani sapagkat inagaw ng smugglers.

May pangako naman ang paparating na bagong Agriculture secretary na si dating North Cotabato Governor Emmanuel Piñol na magiging kakaiba ang sector ng Agrikultura sa ilalim ng kanyang pamumuno. Nang kapanayamin si Piñol ukol sa kanyang mga gagawin, sisiguruhin niyang magkakaroon ng affordable food ang mga Pilipino. Ito raw ang marching order sa kanya ni incoming president Rodrigo Duterte.

Harinawang maisaayos na nga ang agri sector. Dito uunlad ang bansa.

EGYPT WORLD
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with