Sekretong krimen
IKAW AT ANG BATAS! - Jose C. Sison (Pilipino Star Ngayon) - May 9, 2016 - 10:00am

SINA Pablo at Lita ay nagpakasal pagkatapos ng high school. Subalit dahil mga bata pa, naghiwalay din ang dalawa makalipas ang ilang taong pagsasama. Umalis patungong Maynila si Pablo upang maghanap ng trabaho samantalang si Lita ay nanatili sa probinsiya.

Sa Maynila, nakilala ni Pablo si Norma at pinakasalan niya ito kahit kasal kay Lita. Lumipas ang 17 taon, natuklasan ito ni Lita kaya kinasuhan niya ng bigamya si Pablo. Ngunit iginiit ni Pablo na ang kanyang kriminal na pananagutan sa kasong bigamya ay lumipas na dahil ang preskripsyon ng nasabing kaso ay 15 taon. Dagdag pa niya na ang pagbilang ng 15 taon ay magsisimula sa petsa ng rehistrasyon ng kontrata ng ikalawa niyang kasal sa Office of the Civil Registrar dahil ang pagpaparehistro ay nagpapabilang sa isang kasal sa publikong talaan kung kaya ito ay maituturing na notisya sa buong mundo. At dahil 17 taon na bago nakapagsampa ng reklamong bigamya si Lita, ito raw ay lumipas na at kailangan nang idismis. Tama ba si Pablo?

MALI. Ang 15 taong preskripsyon ng kasong bi­gamya ay magsisimulang tumakbo sa araw na nadiskubre ito ng biktima ng krimen, ng mga awtoridad o ng mga tauhan nito.

Gayunpaman, ang prinsipyo ng constructive notice ay hindi maaaring iaplay sa kaso ng bigamya. Ang pagbilang ng preskripsyon sa krimeng bigamya mula sa petsa ng rehistro ng ikalawang kasal ni Pablo kay Norma ay magreresulta lamang ng pagpapawalang-sala kay Pablo.

Marami man ang nakaalam ng selebrasyon ng kasal nina Pablo at Norma at naitala ito sa publikong talaan, hindi naman ito garantiya na balido ang kanilang kasal. Nilinlang sila ni Pablo. Naisagawa ang kasal sa lugar na walang nakaaalam na siya ay may-asawang tao na. At dahil mahirap at mahabang panahon ang gugugulin para bago ito matuklasan kung kaya ang 15 taong preskripsyon ng kasong bigamya ay magsisimulang bilangin sa petsa na nadiskubre ito ng napinsalang partido, ng awtoridad o ng mga tauhan nito (Sermonia vs. Court of Appeals, G.R. 109454, June 14, 1994).

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with