Pataksil na pagbaril ng isang pulis
IKAW AT ANG BATAS! - Jose C. Sison (Pilipino Star Ngayon) - April 16, 2016 - 10:00am

ALAS OTSO ng gabi, narinig si Lily ng kanyang mga kapitbahay na sumisigaw ng “magnanakaw! magna­nakaw!  Marami ang tumugon kay Lily tulad ng kanyang mga pinsang sina Ato at Gerry. Hinabol ng mga ito ang suspek na umakyat sa bubong ng bahay. Isang oras ang nakalipas ay dumating ang mga pulis na sina SPO1 Andy, SPO2 Gene at PO2 Rudy. Sa permiso ni Ambo na may-ari ng bahay, umakyat sa bubong ang mga pulis.  Sa pangunguna ni Rudy, armado nilang hinanap ang suspek hanggang makita nila ang isang lalaki na tumatakbo kaya sinigawan ito ni Rudy ng “pulis ito, tigil!”. Pagkatapos ay binaril agad ni Rudy ang lalaki na sa huli ay napag-alamang si Gerry. Namatay si Gerry dahil sa tama ng bala sa katawan. Nakasuhan si Rudy ng murder dahil sa pag-atake  at pagbaril kay Gerry, pinag-isipan daw ni Rudy ang krimen, pataksil ang pagbaril nito sa biktima at inabuso raw ang kalakasan laban kay Gerry. 

Pinatunayan ni Ato, tanging testigo sa krimen, ang paratang kay Rudy. Subalit naging taliwas ang testimonya ng ibang kasamahan ni Rudy kung saan iginiit nila na kaya binaril ni Rudy si Gerry ay dahil tinangka nitong hatawin ng tubo si Rudy. Gayunpaman hinatulan ng Sandiganbayan si Rudy ng homicide. Hindi nito tinanggap ang depensang pagtatanggol sa sarili subalit naisaalang-alang naman ang makatwirang sirkumstanya ng pagtupad sa tungkulin ni Rudy bilang isang pulis. Pati ang boluntaryog pagsuko ni Rudy ay nagpababa ng kanyang sentensiya sa tatlong taon at tatlong buwan hanggang pitong taong pagkakakulong. 

Kinuwestiyon ni Rudy ang naging hatol sa kanya.  Iginiit niya na dapat ay wala siyang anumang pa­nanagutang kriminal dahil ang pagbaril niya kay Gerry ay sanhi ng kanyang pagtupad sa tungkulin. Tama ba si Rudy?

MALI. Napatotohanan ang presensiya ni Rudy sa pinangyarihan ng krimen ayon na rin sa hiningi ng kanyang tungkulin bilang alagad ng batas. Subalit taliwas dito ang paggamit niya sa kanyang posisyon dahil ang pagbaril niya kay Gerry ay pataksil at pag-abuso ng kanyang uni­porme bilang pulis.  Hindi rin tugma ang tubo na hawak ni Gerry sa bala ng kanyang baril. Sa katunayan, ang tubo ay nakuha at dinala sa pulisya matapos ang imbes­ti­gasyon sa pinangyarihan ng krimen. Ito ang gina­wang depensa ni Rudy, ang tangkang pag-atake sa kanya ni Gerry. Dapat sana ay naibilang ni Rudy sa kanyang report ang tubong ginamit ni Gerry upang mapatunayang ipi­nagtanggol lamang niya ang sarili sa kapahamakan.  Kaya, ang naging hatol ng Sandiganbayan ay tama at naipatupad (Mamangun vs. People, G.R. 149152, February 2, 2007).

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with