Mataas na kaso ng pagkamatay ng mga ina dahil sa panganganak
DOKTORA NG MASA - Sen. Loi Ejercito Estrada (Pilipino Star Ngayon) - March 5, 2016 - 9:00am

ISA ang Pilipinas sa may pinakamataas na bilang ng mga kaso ng mga ina na namamatay sa pagdadalantao at pa­nganganak o ang tinatawag na maternal mortality. 

Sa Southeast Asia, isa ang Pilipinas sa nakakapagtala ng pinakamataas na maternal mortality rate. Sa isang report noong nakaraang taon, sinasabing 114 na mga ina sa Pinas ang namamatay sa bawat 100,000 live births. Higit na mataas ito kumpara sa mga record ng karatig-bansa: Sa Vietnam mayroong 54 deaths sa bawat 100,000 live births, sa Malaysia ay may 40, sa Thailand ay may 20, at sa Singapore ay mayroon lamang 10 kaso. 

Ayon pa sa United Nations Population Fund, 10 ina ang namamatay araw-araw dahil sa kondisyong dala ng kanilang pagbubuntis at panganganak. 

Ayon naman sa pinakahuling opisyal na tala ng pamahalaan mula sa 2011 Family Health Survey, mayroong 221 maternal deaths sa bawat 100,000 live births, na mas mataas pa kumpara sa naitalang 162 noong 2006. Nakakabahala ito, lalo pa at ang Pilipinas ay nakiisa sa Millennium Declaration ng United Nations noong 2000 na nagdeklarang labanan ang epektibong pababain ang kaso ng mga maternal deaths pagdating ng taong 2015 sa ilalim ng UN Millennium Development Goals (MDG). 

Nakakalungkot na hindi naabot ng Pilipinas ang target nito. Ang mas nakakalungkot ay ayon pa rin sa UNFPA, ang mga sanhi ng maternal mortality ay maaaring maiwa­san sa pamamagitan ng sapat na atensyong medikal, pagsubaybay at pag-alalay ng mga lisensyadong birth atten­dants sa mga buntis, at access sa family planning services. 

Kaugnay nito, sinisigurado ni Mayor Joseph Estrada na libre at kumpleto ang mga serbisyong pangkalusugan para sa mga ina at bagong panganak na sanggol sa anim na pampublikong hospital, 12 lying in clinics at 59 health centers sa Maynila. Mahalaga ang papel ng bawat lokal na pamahalaan upang matiyak ang ligtas na pagbubuntis at panganganak ng mga ina, at mapababa ang kaso ng maternal mortality sa bansa.

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with