EDITORYAL - Nakaaalarmang pagdami ng krimen
(Pilipino Star Ngayon) - February 2, 2016 - 9:00am

GUN ban sa buong bansa dahil sa nalalapit na eleksiyon. Pero hindi ito kinatatakutan ng mga kriminal sapagkat kaliwa’t kanan ngayon ang mga nangyayaring krimen. Hindi lamang basta krimen sapagkat malalagim ang mga nangyayaring pagpatay na ang ginagamit ay baril. At sa kabila na mayroong mga pagpatay, hindi agad makaresponde ang mga pulis. Kahit malapit lang ang presinto o station ng pulis, hindi makadalo ang mga alagad ng batas.

Noong Lunes, isang babae na magdedeposito ng kinita ng kanilang tindahan sa Quiapo ang walang awang binaril sa ulo at saka kinuha ang pera na nagkakahalaga ng P100,000. Inakbayan umano ng hol­daper ang babae at binaril at saka kinuha ang bag na may pera. Nang mga sandaling iyon, nasa di-kalayuan umano ang mga pulis na nagsasagawa ng clearing operation sa Carriedo. Malapit din ang police station na nasa gilid lamang ng simbahan ng Quiapo. Pero walang nakaresponde. Walang anumang nakatakas ang holdaper bitbit ang kalibre 45.

Sa Palawan, isang French national at kanyang pamilya ang pinatay noong nakaraang linggo. Blanko ang pulisya sa krimen. Kahapon, isang condominium sa Moonwalk, Parañaque ang nilooban at sinunog pa ng dalawang armadong magnanakaw. Namatay sa suffocation ang may-ari ng unit na pinagnakawan. Nakatakas ang mga armadong suspect tangay ang hindi pa malamang halaga. Bago tumakas binaril pa ang guwardiya. Sa Marikina City, sumalakay din ang mga armadong akyat bahay kahapon at nakatangay ng hindi pa malamang halaga ng salapi.

Aktibo rin naman ang mga holdaper ng dyipni na ang binibiktima ay mga estudyante. Armado ng baril at patalim ang mga holdaper na karaniwang nambibiktima sa kanto ng Aurora Blvd. at EDSA, Quezon City. Laganap din ang holdapan sa jeepney sa Quiapo area.

Kung kailan may gun ban saka bumangis ang mga kriminal. Kahit sa karamihan ng tao at kaliwanagan ng araw ginagawa nila ang krimen. Bago makarating ang mga pulis sa lugar ng krimen, nakalayo na ang mga kriminal at maaaring nagtatawa pa.

Nasaan ang mga pulis sa panahon ng panga­ngailangan?

ACIRC AKTIBO ANG AURORA BLVD KAHIT MGA NOONG LUNES PERO QUEZON CITY SA MARIKINA CITY SA PALAWAN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with