Desisyon kay Grace ipaubaya sa taumbayan
- Al G. Pedroche (Pilipino Star Ngayon) - January 24, 2016 - 9:00am

SA ganang akin, ipaubaya na lang sa mga mamamayang Pilipino kung karapatdapat maging Presidente ng Pilipinas si Grace Poe. Sa ilalim ng 1987 Philippine Constitution,  and karapatan ng mamamayan na bumoto ay soberen­yang karapatan na dapat mangibabaw. Tulad ng sinabi ni Supreme Court  Associate Justice Marvic Leonen, “the people’s­ right to vote is an aspect of sovereignty”.

Nagiging underdog ang dating ni Grace na tila ba pinagkakaisahang alisin sa karerang pampanguluhan ng kanyang mga kalaban at ito’y napakapangit tingnan. Dagdag ni Leonen “Suffrage is one of the direct exercises, perhaps the only direct exercise, where people actually select their agents in terms of government. At kung susundin ang dok­trinang ito, papayagan munang magdesisyon ang tao at pag­katapos, doon maglalabas ng desisyon bilang final arbiter­ ng kaso. Sinabi ito ni Leonen sa unang araw ng oral arguments sa dinidinig na kaso ng disqualification laban kay Grace.

Inaanyayahan ni Leonen ang lahat na suriing mabuti  ang kaso ni Grace sa ibang perspektibo na kakaiba sa pananaw­ ng ilan sa kanyang kapwa kasapi ng SC.

Ang mga supporters at kampo mismo ni Grace ang naggigiit na ipasa ang pagpapasya sa taumbayan sa halip na tumalima sa mga probisyon ng Konstitusyon hinggil sa kuwa­lipikasyon ng mga gustong maging Pangulo.

Ito ay sa ilalim ng pinaniniwalaang prinsipyo na ang tinig ng tao ay tinig ng Dios. Tutal anila, ang Konstitusyon ay nabuo dahil na rin sa huling pagpapasya mismo ng mga mamamayan na siyang nagratipika dito. Ani Leonen, may mekanismo sa Konstitusyon na kumikilala sa poder ng taum­bayan na pumili sa kanilang magiging pinuno at ang Korte Suiprema lamang ang magiging final arbiter sa dakong huli.

ACIRC ANG ANI LEONEN ASSOCIATE JUSTICE MARVIC LEONEN GRACE POE KONSTITUSYON KORTE SUIPREMA LEONEN PHILIPPINE CONSTITUTION SHY SUPREME COURT
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with