Command responsibilities sa mga bright sa NAIA

ORA MISMO - Butch M. Quejada (Pilipino Star Ngayon) - November 6, 2015 - 9:00am

TUMALAK din matapos manahimik nang mahigit isang buwan ang mga bright sa pamahalaan regarding sa isyu ng apat na Pinay bebot na nahuli sa Hongkong last September sa kasong diumano’y drug trafficking, buti na lamang at nakalkal ng media ito at nilinaw kung totoo ang bulung-bulungan dahil kung nagkataon nakatunganga ang madlang Pinoy sa balitang ito at baka ang isyu ay mabaon sa limot?

Tanong - ang alin?

Sagot - ang kuentong drug smuggling. Hehehe!

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, nakatuon ang pansin ng madlang people at talk of the world ngayon ang isyu nang ‘tanim - bala’ scandal sa binansagan NAIA ‘worst airport,’ na nagbigay ng malaking kahihiyan sa Philippines my Philippines matapos hindi ito agad aksyunan ng mga bright sa airport kasi nga, napakatindi ng iskandalong nangyari now a days at halos lahat ng politiko, madlang Pinoy sa Philippines my Philippines and abroad,  mapa-bata o matanda, may buhok o kalbo, tomboy o bakla, pangit o maganda, may anghit o wala  sumisigaw na magbitiw ka na sa puesto MIAA general manager Angel Honrado, dahil sa isyu ng ‘command responsibilities.’

Sabi nga, dapat lang!

Kambiyo issue, kaya naman hindi agad nakarating sa kaalaman nang madlang Pinoy ang nangyari sa apat na Pinay bebot na sinungkit sa Hongkong dahil sa diumano’y cocaine issue.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, sa apat na Pinay bebot na pumasok ng Hongkong in pairs sila nahuli,  ang dalawa ay nasungkit ng dumating ito sa  Chek Lap Kok international airport samantala, ang dalawa naman ay nakuha matapos magsagawa ng follow-up operation ang mga authorities doon at nakalawit sila ng mga authorities habang papaalis na ng Hongkong.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, apat na slabs diumano ng cocaine na may 2.49 kilos timbang at HK$3.1 million worth ang pinag-uusapan dito.

Ang siste huli tayo sa balita humarap na pala ang apat sa Tuen Mun Magistrates’ Court bilang suspected drug traffickers bago pa matapos ang September 2015.

“Walang kaalam - alam ang madlang people sa Philippines my Philippines sa pagkakasungkit ng apat buti na lang at may media na nagsiwalat ng balitang ito.’ sabi ng kuwagong maingay.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, imbestigasyon na umaatikabo ang mangyayari sa usaping ito.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, mabigat ang parusa sa mga drug traffickers sa Hongkong kung mapapatunayan nagkasala sa ilalim ng kanilang Dangerous Drugs Ordinance.

Sabi nga, ‘drug trafficking carries a maximum penalty of life imprisonment and a fine of HK$5 million.’

Naku ha!

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, galing diumano sa NAIA Terminal 3 sakay ng Cebu Pacific Airlines ang dalawang bebot na nahuli sa Hongkong kaya naman kung iisipin mukhang lumala ang operasyon ng sindikato sa binansagan NAIA ‘worst airport,’ dahil may tanim bala issue na, kikilan blues, nakawan pa at heto nakalusot pa ang kilu-kilong cocaine?

Ano ba iyang?

Tanong - kung sa Terminal 3 ito dumaan anong nangyari sa x-ray machine sa NAIA ginamit ba o sira kaya nang idaan ito dito ? May CCTV footages kayang magagamit para makita kung sino ang escort ng umalis sila at kung ano ang movement nila sa loob ng paliparan?

“Ano sa palagay ninyo gumagana kaya ang CCTV sa paliparan?’ tanong ng kuwagong bully.

‘Bakit ang isang maliit na bala ay nakikita kahit ito nakasiksik sa mga handcarried bags, samantala, ang kilu-kilong cocaine ay hindi nakita sa x-ray machines?’ tanong ng kuwagong patanga-tanga.

Totoo kayang may dala silang ‘cocaine’ ng umalis sila ng NAIA T3 o nagkaroon lamang ng ‘switching’ ng dumating sila sa Hongkong?

Kung totoo na ang cocaine issue ay sa NAIA T3 nangyari at nailabas papuntang Hongkong kailangan na talaga sibakin ang mga bully na pa bright,bright sa paliparan.

Bakit naman?

Sagot - sa issue ng ‘command responsibilities kailangan maparusahan silang lahat!’

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, sa ngayon hindi lang pala ‘tanim - bala’ ang dapat busisiin ng NBI isama na rin nila ang tungkol sa pagpuslit ng cocaine  papuntang Hongkong?

‘Biruin mo naipuslit diumano ang cocaine sa NAIA T3?’

Naku ha!

‘Paanong nangyari iyon?’

‘Iyan ang dapat himay-himayin dahil imposible dream na walang nagtimon na taga - loob sa mga drug couriers kung totoong nakalusot ito sa NAIA T3 o baka naman sa isang lugar sa Hongkong nagkaroon ng pasahan?’

Kamote, kaya nga pinabubusisi natin ang tungkol sa droga  dahil iba ang isyu sa ‘tanim - bala’ na may mga sabwatan nangyayari na taga - loob ng airport.

‘Kung sa NAIA T3 nga naipuslit ang cocaine. Ano ngayon ang dapat gawin ng mga opisyal dito?’

Sagot - dahil sa sobrang galing nila dapat magbigti este mali magbitiw na sila sa tungkulin.

Abangan.

ACIRC ANG ANO AYON COCAINE HONGKONG ITO KUNG MGA NAIA SABI
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with