Market holiday
- Bening Batuigas (Pilipino Star Ngayon) - September 14, 2015 - 10:00am

KAHAPON, nagsagawa ng market holiday sa Maynila bilang paramdam sa pagsasapribado ng 17 palengke. Kinondena ng market vendors ang pagpupumilit ng pamahalaang Lungsod ng Maynila ang pagsasapribado o joint venture kuno sa mga palengke na ang masasaktan ay mga mahihirap na Manilenyos. Kapag daw naisakatuparan ang balak nina Mayor Erap Estrada, Vice Mayor Isko Moreno at Konseho, tataas ang renta ng mga puwesto na ipapatong ng mga stall renters vendors sa mga mamimili. Ang masakit hindi lahat ng may mga puwesto dati sa palengke ay magkakaroon ng pagkakataon na makabalik sa kanilang puwesto dahil iiral ang palakasan system. Ito ang hindi palalampasin ng mga market vendors ng Trabaho, San Andres at Sta Ana public market.

Kahapon ay nagsara ang mga stall sa mga pampublikong palengke at ikinasa ng vendors association ang protesta sa pamamagitan ng pagbarikada sa harap ng mga palengke at ang kasunod nito ay ang pagmartsa sa Manila City Hall. Mukhang hindi natakot ang market vendors sa banta ni Erap na ipahuhuli niya sa mga pulis ang magsasagawa ng pagbabarikada at pagsasara sa palengke. Ito na kaya ang simula na ibaling ng Manilenyos ang kanilang pagtanaw kay Erap sa 2016 election. Kung babasehan ang pahayag ni Erap na bankarote ang lungsod nang saluhin sa mga nagdaang admin, katwiran na gumawa siya ng aksyon upang maibangon ang Maynila. Ngunit kung babasehan ang pahayag ng mga naghihikahos na market vendors, kulang umano sa pag-manage ang kasalukuyang administrasyon. Makasarili ang mga ito para magkamal ng datung sa mga multi-sector na nagla-lobby sa pagpribado. Ang masakit, maliit na puhunan lamang ang ikinakasa ng private investors na ang papasan sa bandang huli ay ang Maynila.

* * *

May nag-text sa akin hinggil sa kalupitan ni Noel Pineda sa vendors sa Recto, Divisoria na dapat na tutukan ni MPD director Rolando Nana. Ayon sa text messages, ginagamit ni Pineda ang Task Force Divisoria at P. Algue Police Community Precints sa pangingikil sa vendors. Bukol umano ang napapala ni Station-2 chief Supt. Pinon at PCP Commander Cinsp. Mangune sa aktibidades ni Pineda. Doble-doble kung mangikil si Pineda dahil ang parating umano para kina Nana, Pinon, Mangune at SSupt. Marcelino Perdozo ang bukang bibig. Gen. Nana, Sir, pakiimbestigahan mo ito dahil kung patuloy si Pineda sa kanyang masamang gawain mapupulaan ka na nakikinabang din. Abangan!

ALGUE POLICE COMMUNITY PRECINTS ANG COMMANDER CINSP ERAP ITO MANGUNE MANILA CITY HALL MAYNILA MGA PINEDA VENDORS
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with