Nag-sorry na si ‘manhid,’ magbitiw sana si ‘palpak’
SAPOL - Jarius Bondoc (Pilipino Star Ngayon) - August 23, 2015 - 10:00am

“MANHID at palpak,” ani VP Binay tungkol sa tunay na pag­katao ng mga taga-Gabinete na nakasama nang limang taon. Nabatid ng madla na akma ang tag-uri nang maliitin ni Transport Sec. Abaya na “hindi naman nakamamatay” ang trapik sa Kamaynilaan. Aba’y may gana pa siya na manglait ng mga kritiko, gayong siya ang sanhi ng tuminding trapik dahil sa mabagal na LRT extension sa dadalawa na nga lang na bayan, at sira-sirang tren ng MRT na minementena ng mga ka-Liberal Party.

Naalala tuloy ang kawalan-habag ni P-Noy matapos ang Super Typhoon Yolanda. Sininghalan niya ang grocer sa Tacloban na humingi ng aksiyon laban sa mga namaril na looters: “Buhay ka pa naman, di ba?” May pinaggayahan pala si Abaya, anang mamamayan.

Naalala rin ang pagkamanhid at palpak ng ka-LP na Interior Sec. Roxas, ang hinirang ni P-Noy na tagapagmana ng Pangulohan. “Bahala kayo sa buhay niyo!” singhal niya kay Mayor Romualdez na tumangging i-turn over kay P-Noy ang pamamahala sa Tacloban. “Aquino siya, at Romualdez ka,” dagdag pang pagpupulitika ni Roxas sa pagkawasak na dulot ng Yolanda. At nang inusisa ng CNN reporter si Roxas tungkol sa mga bangkay na nakasabit pa sa puno matapos ang mga storm surge, aniya “Mga bagong patay ‘yan, kasi nagsamsam na kami ng mga bangkay kahapon.” (Ano raw, umakyat daw ba ng puno ang mga biktima para doon mamatay?)

Lalong nainis ang madla nang sabihin ni Roxas, “Magpasalamat tayo sa progreso, kaya ma-trapik.” Para namang tanga ang 11-milyong OFWs na nakakakita sa ibang bansa ng kaunlaran na walang trapik.

Sa huli, nabatid ni Abaya ang kamalian, at mapagkumbabang nag-sorry sa sinabi. Okey, tinanggap ng madla ang apology, kaya nasagot ang parte ng “pagkamanhid.” Pero nandoon pa rin ang parte ng “pagkapalpak.” At ang hinihingi nila ay ang pagbitiw ni Abaya sa puwesto. Siya ang sanhi ng magkakambal na katiwalian at pagkasablay sa DOTC.

ABAYA ACIRC ANG INTERIOR SEC LIBERAL PARTY MAYOR ROMUALDEZ MGA NAALALA P-NOY ROXAS SUPER TYPHOON YOLANDA
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with