Dalawang Cabinet members iniiwanan ng bodyguards
SABI NI BUBWIT… - Deo Calma (Pilipino Star Ngayon) - March 11, 2015 - 12:00am

ALAM n’yo bang iniiwanan ng bodyguards ang dalawang Cabinet members ni Pres. Noynoy Aquino?

Ayon sa aking bubwit, happy birthday muna kay LTFRB­ Chairman Winston Ginez, Ret. Gen. Willy Bonilla, Col. Gerry Zamudio ng PAF, Army Sgt. Danilo Fernandez, Engr. Beng Arevalo, Engr. Felix Lumabas, Mary Grace Lacsamana, Fyke Faigal at Nathaniel Antonio Dy.

Alam n’yo bang walang tumatagal na bodyguards ang dalawang cabinet secretary?

Ayon sa aking bubwit, iniiwan ng mga tauhan ng Police Security Protection Group (PSPG) ang dalawang Cabinet members dahil sila ay ginugutom.

Ang ikinagagalit ng mga bodyguard kay Secretary No. 1 ay parang wala umanong pakialam sa kanila. Kapag nagpasundo at nagpahatid sa mga pinupuntahan ay hindi man lang sila pinakakain.

Hindi man lang sila tinatanong kung nagugutom o kumain na ba sila. Ang katwiran umano ni Secretary ay may suweldo naman ang bodyguards mula sa PNP kaya hindi na niya sagot ang kanilang pagkain.

Ayon pa sa aking bubwit, si Secretary No. 2 ay ini­iwanan din ng bodyguards dahil sobra naman ang sipag at gutom din ang kanilang inaabot.

Dahil sa sobrang sipag ni Secretary No. 2, 7:00 a.m. pa lang ay nasa opisina o kaya ay nasa miting na siya. Pagkatapos ang kadalasang uwi ay hatinggabi o 2:00 na ng madaling araw. At ang matindi rito, Skyflakes lamang ang kinakain ni Secretary No. 2.

Ayon sa aking bubwit, dahil gutom ang inaabot ng police bodyguards, sila ay umaalis sa dalawangg opisyal at nagpapalipat na lamang ng ibang assignment.

Ang dalawamg Cabinet members na iniiwasan ng mga police bodyguards ay sina Sec. D. as in Dolly at Sec. L. as in Lover Boy.

ARMY SGT AYON BENG AREVALO CHAIRMAN WINSTON GINEZ DANILO FERNANDEZ FELIX LUMABAS FYKE FAIGAL GERRY ZAMUDIO SECRETARY NO
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with