^

PSN Opinyon

Dating kongresista, ibinenta ang Ferrari

SABI NI BUBWIT… - Deo Calma - Pilipino Star Ngayon

ALAM n’yo bang ibinenta na ng isang kongresista ang kanyang sportscar na Ferrari matapos matalo noong nakalipas na eleksiyon?

Ayon sa aking bubwit, happy birthday muna kay Dra. Drusilla Buduan, Cheryl Rose Curammeng, Menchie Orlina, Cyrille Cupino at Lourd de Veyra ng TV5.

Alam n’yo bang naghirap na ang isang dating kongresista matapos matalo noong nakalipas na eleksiyon? At alam n’yo rin bang nawala na ang kanyang yabang simula nang ito ay mawala na sa kapangyarihan?

Ayon sa aking bubwit, noong miyembro pa ng Kamara de Representantes si Congressman at dahil kakampi niya noon ang dating administrasyon, siya ay kilala sa pagiging mayabang.

Isa siya sa mga iilan lamang sa bansa na nakabili ng sportscar na Ferrari na kulay pula. Bukod sa kanyang Ferrari ay marami rin itong Sports Utility Vehicle (SUV).

Mahilig pala ito sa mga magaganda at seksing mga chiching. Siya ay kilala sa pagdi-display sa kanyang mga chiching.

At kung mag-display at makipag-date si Congressman, dala-dalawa pa ang pinagsasabay niyang i-date na mga chiching. Ito ay mga magaganda at mestisang models.

Ayon sa aking bubwit, simula naman nang matalo si Congressman noong eleksiyon, siya ay nakaranas naman ngayon ng kahirapan.

Una, naibenta na niya ang kanyang Ferrari at ordi­naryong Toyota car na lamang ang minamaneho at wala na rin siyang driver. Dati ay dala-dalawa pa ang kanyang driver.

Ayon sa aking bubwit, ang kongresistang nabawasan ng kayabangan simula nang matalo sa pulitika ay walang iba kundi si Congressman L. as in Lover Boy ng Bicolandia­.

vuukle comment

AYON

CHERYL ROSE CURAMMENG

CONGRESSMAN L

CYRILLE CUPINO

DRUSILLA BUDUAN

FERRARI

LOVER BOY

MENCHIE ORLINA

SPORTS UTILITY VEHICLE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with