^

PSN Opinyon

EDITORYAL – DTI, maging alerto sa mga ‘buwitreng’ negosyante

Pilipino Star Ngayon

PAGKATAPOS manalasa ang bagyo, sumusulpot ang mga buwitreng negosyante. Sasamantalahin nila ang pagkakataon para maitaas ang kanilang mga paninda lalo ang mga pagkain. Alam nilang hindi na makakapiyok ang mga nangangailangan ng pagkain at magbabayad kahit sobra-sobra ang pinatong sa paninda.

Walang ipinagkaiba ang mga gahamang negos­yante sa mga buwitre na nagsusulputan kapag nakaamoy ng mga bangkay. Walang pakialam ang mga ganid at gahamang negosyante sa kalagayan ng mga biktima ng bagyo o anupamang kalamidad. Ang nasa isip ng mga gahaman ay kumita nang malaki. Mabuti pa nga ang mga buwitre at kapag nabusog sa laman ng bangkay ay titigilan na ang pagsila at pagkatay. Ang mga gahamang negos­yante ay hindi titigil at gusto’y kumita nang kumita hanggang umapaw ang kanilang bulsa sa pera.

Grabeng hinagupit ng Bagyong Ruby ang Eastern­ Samar kaya dapat magbantay doon ang Department of Trade and Industry (DTI). Mga pangu­nahing paninda gaya ng bigas, sardinas, noodles, kape at asukal ang kadalasang itinataas ang presyo sa mga lugar na sinalanta ng bagyo. Kahit pa isang linggo na ang nakararaan, mula nang manalasa si Ruby, tiyak na may mga negosyante pa ring nagsa­samantala.

Walang ipinagkaiba nang manalasa ang Bagyong Yolanda noong nakaraang taon, maraming may-ari ng tindahan ang nagtaas nang doble sa kanilang paninda. Hindi lamang mga pangunahing panga­ngailangan ang itinaas kundi pati mga materyales sa bahay.

Maraming nagsasamantalang negosyante kapag may kalamidad at sana maging alerto naman sa pagbabantay ang Department of Trade and Industry (DTI) sa masamang gawain na ito. Hindi sana matulog sa pansitan ang mga taga-DTI ngayong panahon. Kawawa naman ang mga nabiktima ni Ruby kung mabibiktima ng mga “buwitre”.

Ipatikim ng DTI ang kanilang kamaong bakal sa mga gahamang negosyante. Kapag nahuli at napatunayang nagmahal ng paninda, bawian ng lisensiya para hindi na muling makapagtinda. Ang mga matatakaw na negosyante ay hindi dapat pinatatawad. Sampolan sila para matigil na ang pagsasamantala sa kapwa.

vuukle comment

ALAM

BAGYONG RUBY

BAGYONG YOLANDA

DEPARTMENT OF TRADE AND INDUSTRY

GRABENG

IPATIKIM

WALANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with