Mahal ko ang AFP at PNP
- Roy Señeres (Pilipino Star Ngayon) - December 4, 2014 - 12:00am

AYON sa Saligang Batas, ang sandatahang lakas ay protector of the people. Ang pangkalahatang populasyon ngayon ng ating bansa ay 100 milyon. ‘Yan ang bilang ng mamamayan na pinuprotektahan ng sandatahang lakas. Sa uri ng trabaho ng ating mga sundalo at pulis, araw-araw ay nalalagay sa panganib ang kanilang buhay.

Hindi katulad ng civil servants na nasa loob lamang ng kanilang air-conditioned na mga tanggapan. Sila ay hindi naa-ambush, hindi nasasabak sa giyera at iba pang mga panganib.

Kaya kung ako ang masusunod, bigyan dapat nang mas malalaking sahod ang mga pulis at sundalo.

May balitang ilang pulis at sundalo ang nangongotong. Pero yan ay dahil sa starvation salary na binibigay ng gobyerno sa kanila. Hindi justified ‘yang ginagawa nila at dapat silang magtimpi tulad ng ginagawa nang nakararaming  pulis at sundalo. Pero napapanahon na dapat itaas ang mga suweldo nila. Ito ay mangyayari lamang kung walang corruption sa BIR at Customs para mapalaki ng husto ang collection ng buwis.

Kaya ang gawin dapat ng ating protector of the people ay bantayan nang husto ang galaw ng mga taga-BIR at Customs. Kapag may mga nakikita silang maliwanag na mga unexplained wealth ng mga tauhan ng BIR at Customs, pangunahan ng mga sundalo at pulis ang pagsasampa ng kaso sa kanila. Gawin nila ito para pag gumanda ang collection ng buwis ay maitaas ang mga suweldo nila.

Kapag wala nang talamak na corruption sa Pilipinas, lalago ang ating ekonomiya at ang 10 milyon nating OFWs ay magsisiuwian sa halip na nagpapaalipin sa mga ibang lahi.

Ang 10 milyong OFWs ay hindi nasasaklawan ng pagiging Protector of the People ng AFP at PNP dahil nasa labas sila ng bansa. Mapuprotektahan lamang ang OFWs ng ating AFP at PNP kapag naririto sila sa Pilipinas.

Pauwiin na sila mga minamahal kong sundalo at pulis sa pamamagitan ng pagsugpo ninyo ng katiwalian sa bansa. In the process, you will be hitting two birds with one stone. Mapapaganda ang buhay dahil lalaki ang inyong sahod at maililikas ang OFWs sa kanilang mapait na kalagayan sa ibayong dagat.

GAWIN KAPAG KAYA MAPAPAGANDA PERO PILIPINAS PROTECTOR OF THE PEOPLE SALIGANG BATAS
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with