All’s well that ends well!
- Al G. Pedroche (Pilipino Star Ngayon) - November 27, 2014 - 12:00am

SALAMAT sa Gentri Doctors Medical Center sa Cavite at pinalabas na rin ng pagamutan ang mister ng ating empleyada dito sa Pilipino Star NGAYON na si Jessie Lyn Santos na may balanse pang P10-libo sa pagamutan.

Nilinaw ni Dr. Ireneo Lumubos na isa sa mga founder ng ospital, hindi naman daw sila nangho-hostage ng pasyente kundi gusto lang daw nilang mag “take ng effort” ang mahihirap na pasyente na  makapagbayad ng kanilang atraso kaya ayaw munang palabasin.

Ang sa atin naman, kung pipigilin ang isang pas-yenteng mahirap dahil sa utang, eh di lalung lolobo ang atraso sa araw-araw na inilalagi niya sa ospital at mas imposible na siyang makalabas. Pero tanggapin na natin ang paliwanag ng Gentri. Ang mahalaga ay na-discharged na ang pasyente matapos tayong “mangalampag” sa ating kolum at iyan ay pinasasalamatan na natin.

Masinsinan daw na kinausap si Jessie Lyn ni Dr. Lumubos at sinabi na ang batas na nagbabawal sa “panghohostage” sa mga pasyente ay hindi sumasakop sa pasyenteng gaya ng kanyang asawa na nasa isang regular na silid. Doon lamang daw ito sa mga nasa ward. Hindi po ganyan ang pagkakaintindi ko pero okay lang.

Sinabihan pa raw si Jessie Lyn na siguruhing maba­bayaran ang atraso at kung hindi ay ako umano ang “mapapahiya.”

Tingin ko po doc, kung hindi makapagbayad ng kakulangan sa oras ang pasyente at pipilitin ninyo sa ano mang paraan na magbayad, hindi po ako ang kahiya-hiya kundi ang ospital. Ang tungkulin ko na pumuna ay nagawa ko na at salamat sa positibong tugon ninyo. Naniniwala ako na sa mga ganyang situwasyon ay dapat ipairal ng pagamutan ang humanitarian consideration.

Tutal, ang pinakamalaking bahagi ng hospital bill na mahigit P100-libo ay nabayaran sa pamamagitan ng Medicard at PhilHealth at ang tanging natira ay P10-libo na lang. Puwede nang bigyan ng konsiderasyon ang pasyente dahil kung wala nang ibabayad pa, kahit  manatili siya habambuhay sa pagamutan ay wala na kayong mapipiga talaga. Ang tanging”effort” na magagawa ng mahirap na pasyente ay makiusap na bigyan sila ng kaluwagan at sa ganyang pakiusap ipinaiiral ang “puso” ng isang makataong ospital.

DR. IRENEO LUMUBOS DR. LUMUBOS GENTRI JESSIE LYN MASINSINAN MEDICARD NANINIWALA PASYENTE
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with