^

PSN Opinyon

Lady officer ng Customs, may mansion na may resort pa

SABI NI BUBWIT… - Deo Calma - Pilipino Star Ngayon

ALAM n’yo bang nagkaroon kaagad ng mansion at beach resort ang isang junior officer ng Bureau of Customs kahit isang taon pa lang siyang nakadetail doon?

Ayon sa aking bubwit, happy birthday muna kay Bohol Rep. Arthur Yap, Dra. Kiteen Garcia-Almazan, Gie Dimog ng PNB, Andy Beltran, Alex Soria, Bro. Maven Biscarra at Bro. Robin Go at Linda Sinchongco.

Alam n’yo bang usap-usapan ngayon ang isang lady junior officer ng AFP na naka-assigned sa Customs dahil sa biglang pagdami ng kanyang properties?

Ayon sa aking bubwit, isang taon pa lamang ang junior officer subalit nakapagpatayo kaagad ng mansion sa Tanay, Rizal. Meron pa siyang beach resort ngayon sa Romblon at may house and lot sa Cubao, Quezon City.

Bukod dito, meron pa siyang dalawang brand new SUV na Toyota Prado na nagkakahalaga ng mahigit P3-milyon bawat isa. Wow, daig pa yata ng junior officer na ito ang tumama sa jackpot prize sa lotto.

Ayon pa sa aking bubwit, galante ngayon si Junior officer sa kanyang mga kaibigan dahil kamakailan lamang ay inilibre sila sa isang grand tour sa Dubai, kasama ang kanilang pamilya at mga staff nito sa Customs.

Pero ang isyu ngayon kay Junior officer ay kung kaya ba nitong magpatayo ng mansion, beach resort at bumili ng dalawang SUV at maglibre ng mga kaibigan sa isang tour sa abroad mula sa kanyang suweldo?

Ito kayang mga properties ay nakadeklara sa kanyang Statement of Assets, Liabilities and Networth (SALN)?

Ayon sa aking bubwit, ang kontrobersiyal na lady junior officer ng Army na nakadetail sa Intelligence Group sa Customs na may kuwestiyonableng properties ay si Capt. J.C. as in Jo Charlie.

ALEX SORIA

ANDY BELTRAN

ARTHUR YAP

AYON

BOHOL REP

BUREAU OF CUSTOMS

GIE DIMOG

INTELLIGENCE GROUP

JO CHARLIE

JUNIOR

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with