^

PSN Opinyon

Eye bags at dark circles: Anong lunas?­

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong - Pilipino Star Ngayon

ANO ang dahilan ng pagkakaroon ng eye bags at pangi­ngitim sa ilalim ng mata? Kadalasan ay dulot ito ng pagpupuyat, kulang sa tulog, sobrang gimmick, paninigarilyo at pag-inom ng alak.

Dahil dito, nababawasan ang laman (fats) sa ilalim ng mata, nasisira ang mga ugat at nangingitim ang mata.

Para mabawasan ang eye bags, heto ang mga tips:

1. Matulog ng 7-8 oras bawat gabi. Kung hindi maka­tulog, humiga lang at ipikit ang mata.

2. Magpalamig ng ilang hiwa ng pipino. Ilagay ang pipino sa yelo o refrigerator. Ipikit ang mata at ipatong sa ibabaw ng mata ng 15 minuto. Palitan ang pipino kapag hindi na ito malamig.

3. Puwede ring gumamit ng tea bags. Ilubog ang 2 tea bags sa maligamgam na tubig. Pagkatapos ay palamigin ito sa refrigerator. Ipatong ang tea bags sa mata ng 15 minuto. Ang sangkap na tannin sa tea ay nakatutulong sa pagbabawas ng pamamaga at pangingitim ng mata.

4. Kung nagmamadali, kumuha ng yelo o pinalamig na kutsara at ipatong ito sa eye bags. Gawin ito ng ilang minuto lang habang malamig pa ang kutsara.

5. Uminom ng 8-10 basong tubig bawat araw. Para hindi dehydrated ang katawan.

6. Umiwas sa nakaka-allergy na bagay o pagkain. Puwedeng mamaga ang mata kapag may allergy.

7. Magbawas ng stress at huwag sumimangot. Ma­ging masaya para gumanda at mabawasan ang eye bags. Good luck po.

vuukle comment

BAGS

DAHIL

GAWIN

ILAGAY

ILUBOG

IPATONG

IPIKIT

KADALASAN

MATA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with