Matandang congressman, madaling araw kung dumalaw sa kanyang chiching
SABI NI BUBWIT… - Deo Calma (Pilipino Star Ngayon) - February 7, 2014 - 12:00am

ALAM n’yo bang matulis pa rin ang isang congressman kahit amoy lupa na?

Ayon sa aking bubwit, happy birthday muna kay Henry Uri ng DZRH, Ed Yambao, Elmar Pido, George Solidum, Ivan Poquis, Christian dela Cruz, Nap Manalo at Faith Salaver.

Alam n’yo bang may itinatago palang chiching si Congressman. Ang kanyang “kept woman” ay iginarahe sa isang kilalang subdivision sa kanilang lugar.

Upang hindi mabuking si Congressman sa pagdalaw sa kanyang chiching, nagdi-disguise siya na parang spy. Nagsusuot siya ng sumbrero na style Mafia. Bukod diyan, gumagamit pa ng old model na kotse para hindi masyadong mapansin. At para hindi makita ng mga kapitbahay ng chiching, ala-una ng madaling araw siya kung dumalaw dito at uuwi rin kaagad. 

Pero kahit anong pagdi-disguise ni Congressman, siya ay nakikilala at sinusundan pa ng mga tsismosong guwardiya.

Ang lugar na pinupuntahan ni Congressman ay isang sikat na subdivision sa San Fernando, Pampanga. Dito niya pinatira ang chiching. Hindi naman masyadong kagandahan ang chiching ni Congressman. 

Ayon sa aking bubwit, ang chiching ay morena at sexy. Siya ay itatago ko sa pangalang Imelda. At ang mambabatas na matanda na pero matulis pa rin ay si Congressman O. as in Oh Romeo.

AYON CONGRESSMAN CONGRESSMAN O ED YAMBAO ELMAR PIDO FAITH SALAVER GEORGE SOLIDUM HENRY URI IVAN POQUIS NAP MANALO
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with