Probinsiyanong congressman, na-wan-tu-tri ng prosti sa Macau
SABI NI BUBWIT… - Deo Calma (Pilipino Star Ngayon) - December 11, 2013 - 12:00am

ALAM n’yo bang na-wan-tu-tri ang isang probinsiyanong congressman  nang magtungo sa Macau?

Ayon sa aking bubwit, happy birthday muna kay retired Sandiganbayan Justice Rudy Palattao, Vienn Dacles ng RHTV, Chris Capulso ng DZRH, Bong Muyar, Bro. Mel Sison ng BOC, Prof. Ike Gutierrez, Bro. Eric Cruz at Grace Lagos ng Punta Fuego.

Alam n’yo bang nabiktima sa isang casino sa Macau ang isang kongresista nang magtungo roon at nanood ng laban nina Cong. Manny Pacquiao at Brandon Rios?

Ayon sa aking bubwit, naglalakad si Congressman kasama ang ilang kaibigan sa Venetian Casino Hotel nang makasalubong ang isang maganda at seksing chiching. Ang chiching na Chinese woman ay isa palang prosti na nagha­hanap ng customer.

Dahil naghahanap ng customer ang prosti, nang makasalubong si Congressman ay naki­pagngitian at nakipagtitigan. Sa pagkakataong ito ay nakipagkilala si Congressman at niyaya pa nila itong kumain.

Habang kumakain ay nagkasundo sina Congressman at prosti na magkaroon ng session ng carnal knowledge. Sa madaling salita, pumunta agad sila sa kuwarto ni Congressman sa Venetian Hotel.

Ayon sa aking bubwit, nang magkasarilinan na sila sa kuwarto, nagkatawaran na ang dalawa kung magkano ang presyo. Sila ay nagkasundo sa halagang 1,000 Macau Dollars. At sabi pa ng prosti, kailangan ay money down muna.

Dahil atat-na-atat na si Congressman sa prosti, ibinigay kaagad ang pera. Nang matanggap ang pera, sabi ng prosti kay congressman ay mag-shower na.

Nag-shower naman kaagad si Congressman. Habang nagsa-shower binuksan niya ng konti ang pintuan ng banyo para makita ang prosti. Nagsimula nang maligo si Congressman. Nang meron na siyang sabon sa katawan, biglang nagtatakbo palabas ng kuwarto ang prosti. Napansin ni Congressman ang pagtakbo ng prosti pero hindi siya makahabol dahil may sabon siya sa katawan.

Napamura at napakamot sa ulo si Congressman. Ang sama ng loob ay ikinuwento na lamang sa kanyang kaibigan at sinabing kung kailan pa raw matatapos ang kanyang ikatlong term bilang kongresista ay saka pa na-wan-tu-tri ng prosti.

Ang probinsiyanong kongresista na na-wan-tu-tri ng prosti sa Macau ay si Congressman R.T. ng Visayas.

AYON BONG MUYAR BRANDON RIOS CHRIS CAPULSO CONGRESSMAN CONGRESSMAN R MACAU NANG PROSTI
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with