^

Mga tinalikuran nina Roxas at Drilon, bumabangon na

- Bening Batuigas (Pilipino Star Ngayon) - November 30, 2013 - 12:00am

TULALA ang mga kababayan nating sinalanta ni Super Typhoon Yolanda sa Visayas Region. Kulang kasi sa pagkain, gamot, tubig inumin, gamit sa katawan na panang­galang sa init at ulan at siyempre bahay na matutuluyan matapos mawasak ng bagyo. Natural ang kanilang pagbubuntunan ng sisi ay ang pamahalaang Aquino na nagkulang sa pagbibigay ng ayuda. Bangkarote ang pamahalaan matapos maibulsa ng ilang pulitiko at pekeng NGO ni Napoles. Kaya ang ibang bansa na nagbigay ng financial at food assistance ay nagkanya-kanya sa pamamahagi ng kanilang tulong. Lumalabas na kahiya-hiya ang ating bansa sa paningin ng mga banyaga. 

Napabalita sa buong mundo ang pinsalang dulot ni Yolanda kaya maraming nagbigay ng pagkain, damit, gamot, heavy equipment, doctors, hospital ship, C-130 at choppers. Ngunit ang pamahalaan ay kulang sa sistema sa pamamahagi ng relief goods. May mga bali-balita pa na  itinatago ang mga imported na donasyon at pinapalitan ng mga lumang kagamitan. Lalong umasim ang mga sikmura ng mga biktima ni Yolanda.

Ang masakit, sa kasagsagan ng pagtulong ng mga banyaga at non-government organizations nagkaroon pa ng isyung “kontra partido” sa pamamahagi ng relief goods, kaya hindi nakatikim ang mga taga Panay Island  na kinabibilangan ng Capiz, Iloilo, Aklan at Antique. Naka-pokus lang ang pamahalaan sa Tacloban, Leyte at Cebu dahil nandoon ang media. Hehehe! Subalit sa Capiz, Iloilo, Aklan at Antique ay tira-tira lamang ang natikman ng mga  kababayan ko roon. Walang local media na magbibigay ng media coverage sa mga alipores ni P-Noy dahil bagsak ang communication.

Kaya ang pinagbubuntunan ng sisi ng mga kababayan ko roon ay sina DILG secretary Mar Roxas ng Capiz at Senate president Franklin Drilon ng Iloilo City. Binalewala kasi nila ang paghihirap ng mga kababayan. Subalit ang kanilang pagkukulang ay pinunan naman ng mga banyaga at ng mga kababayang Ilonggo na galing sa Sultan Kudarat. Ngayon ay unti-unti nang nakakabangon ang mga tinalikuran ni Roxas at Drilon. Kaya ang hirit nila kay P-Noy, Roxas at Drilon, pursigihin ang paghabol sa mga pulitiko at kay Napoles na lumustay ng pera ng taumbayan. Parusahan ang mga ito para mapawi ang kanilang poot. Abangan!

AKLAN CAPIZ DRILON ILOILO ILOILO CITY KAYA MAR ROXAS NAPOLES P-NOY
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with