^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Huwag puro banta sa NPA

Pilipino Star Ngayon

ISANG araw makaraang tambangan ng New People’s Army ang convoy ni Gingoog City Mayor Ruthie Guingona, agad pinag-utos ni President Aquino na lansagin ang checkpoints ng grupo. Pagkaraan nang mahabang panahon na nagsasagawa ng mga pag-ambush, panununog ng government properties at iba pang mga masamang gawain, ngayon lang nag-react ang pamahalaan. Matapos ang mga paninira, ngayon lang naramdaman ng pamahalaan ang kirot at saka nagbanta.

Inambus ng NPA ang convoy ni Mayor Guingona sa Alatagan, Misamis Oriental noong nakaraang linggo. Dalawang bodyguards ni Guingona ang napatay. Nasugatan naman ang mayor sa braso. Ayon sa NPA, hindi nagsabi ang grupo ni Guingona na mangangampanya sa kanilang teritoryo. Hindi umano tumigil sa kanilang checkpoint ang convoy nina Guingona kaya pinaulanan nila ng bala. Humingi naman ng “sorry” ang NPA sa nangyari pero hindi ito tinanggap ng pamilya ni Guingona. Si Mayor Guingona ay maybahay ni dating Vice President Teofisto Guingona at ina ni Sen. TJ Guingona.

Hinamon ng Malacañang ang NPA na ilunsad ang ginagawang paghahasik ng karahasan at mararamdaman ang magiging sagot ng pamahalaan. Ibig sabihin ng Malacañang, makikita ng NPA ang ganti ng pamahalaan. Isang malinaw na pagbabanta sa grupo.

Matagal nang naghahasik ng kaguluhan ang NPA. Hindi na sila dapat hamunin o bigyan pa ng babala o kaya ay pagbantaan. Lansagin kung lalansagin. Wasakin kung wawasakin. Ipakita ng pamahalaan na mas malakas sila kaysa sa mga naghahari-hariang grupo. Wala nang lakas ang mga ito at wala na ring sumusuporta kaya madali na para sa pamahalaan para sila buwagin. Hindi na rin sila masasabing rebelde (bagkus ay bandido) sapagkat pumapatay ng mga inosente at sumisira ng kabuhayan kapag hindi nakapagbigay ng revolutionary tax.

ALATAGAN

GINGOOG CITY MAYOR RUTHIE GUINGONA

GUINGONA

MALACA

MAYOR GUINGONA

MISAMIS ORIENTAL

PRESIDENT AQUINO

SI MAYOR GUINGONA

VICE PRESIDENT TEOFISTO GUINGONA

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with