“Kasal: labas ang isa, pasok ang iba”
- Tony Calvento (Pilipino Star Ngayon) - April 3, 2013 - 12:00am

Kapag pulido ang lahat, kahit na anong bagyo maiiwan kang matayog na nakatindig. Hindi akalain ni Jean Oda—39 na taong gulang ng General Trias, Cavite na darating ang panahon at isa-isang makakalas ang noo’y mahigpit nilang pagkakabigkis ng kanyang asawang Hapon na si Suzumo Oda.

Isang pangyayari ang naging mitsa para unti-unting magurlisan ang maayos nilang pagsasama.

Matapos makasal nung Setyembre 15, 1995 dito sa Pilipinas agad sumama si Jean kay Oda papuntang Japan.

Habang nandun, nagtrabaho siya bilang crew sa Moonlight Restaurant. Sa kanyang napasok na trabaho, mas naging seloso daw si Oda.

Isang gabi nanubok itong si Oda at biglang sumulpot doon. Naabutan nito na nag-eentertain si Jean ng isang lalaking customer na bata at gwapo na si Kawasaki Hiroshi. Nagpatay malisya lang daw ang asawa.

 Hindi itinanggi ni Jean na naging malapit siya kay Kawasaki. Isang beses na ipinasyal siya nito sa mga lugar na hindi pa niya napuntahan simula nung natuntong siya sa Japan at nagpakuha ng mga litrato sa mga magagandang tanawin.

Nakagaanan niya ng loob si Hiroshi dahil nagbibigay ito ng importansya na hindi naibibigay ni Oda. Pag-uwi niya, nagulat siya nung bumungad si Oda sa pinto sabay hinablot ang bitbit niyang camera.

Nagtatakbo si Oda sa labas at pagbalik, hinagis nito sa kanya ang mga litratong laman ng camera na kasama ni Hiroshi.

“Bakit ka nakipag-date!? Masakit sa puso ko!,” sabi ni Oda.

Pilit na nakipag-ayos na lang si Jean. Hindi niya maisumbat na makailang beses siyang nakakatanggap ng tawag mula sa isang Pinay na nagsasabing asawa daw siya ni Oda. Sa takot na rin na mapabalik ng Pilipinas ay pinalampas na lang niya ito.

Nagkasundo rin sila matapos ang dalawang buwan at hinikayat ni Jean na tumira na lang sa Pilipinas. December 1996 sila umuwi para bumili ng bahay at lupa.Pansamantala tumira ulit sila sa condo ni Ely.

Muli, naabutan ni Oda na nakikipag-party sa rooftop si Jean. Hindi napansin ni Jean kasama ni Ely. Hindi namalayan ni Jean na dumating na ang asawa. Pagbaba niya, kalat na ang gamit niya at wala na ang  kanyang passport. Hindi niya akalaing iyon na ang huli nilang pagkikita ni Oda.

Bumalik si Jean sa Japan para hanapin si Oda ngunit sinalubong daw siya nito ng aprobado nang divorce paper. Dito na niya pinatignan sa isang abogado ang kanilang Marriage Certificate. Dito natuklasan ni Jean na kaparehong araw ng kanyang kasal ang araw na nag-“divorce” si Oda sa una nitong pinakasalan.

Sising-sisi si Jean sa araw nung makilala niya ang lalaking gumulo sa takbo ng layang-laya  niyang buhay.

Taong 1994, edad 21 si Jean nung magtrabaho siya bilang waitress sa Chorus Line na isang Japanese KTV bar sa Maynila.                

Nag-iikot siya para magbigay ng “ashibori”(bimpo na may alcohol na pamunas bago kumain) nung lapitan siya ng kanilang manager.

“Kanina pa nakatingin sa’yo yun type ka yata,” sabi ng manager sa kanya sabay itinuro ang isang customer na Hapon sa isang upuan.

Nung sinipat ni Jean, nagkatinginan sila. Hinila siya ng manager papunta doon. “Anata no nammay wa nandesuka?(ano pangalan mo),”tanong nito sa kanya.

 â€œShane Desu(Ako si Shane),” sagot ni Jean. At dun na nagpakilala si Suzumo na nakasanayan nilang tawaging “Oda”.  Dito na nagsimulang magpakita ng interes si Oda sa kanya. Nagkaroon sila ng pisikal na atraksyon sa isa’t-isa. Nabighani siya sa ganda ni Jean at naakit naman ito sa manipis na labi at makinis na balat ni Oda.

Agad daw siyang inimbita nitong lumabas at dun na sila nagkaigihan. Hindi na pinalampas ni Jean ang pagkakataon at naging sila na.

Pagkatapos ng isang taon Setyembre 15, 1995, nagpakasal na ang  dalawa sa huwes dito sa Pilipinas. Una silang tumira sa isang condominium(condo) yunit na pagmamay-ari ng matalik na kaibigan ni Jean na si Ely(na isang bading). Nung kakakasal pa lamang ay madalas nilang pag-awayan ang  pagiging seloso ni Oda.

Madalas pa rin siyang inaaya ni Ely sa mga paglabas-labas nito papunta sa mga gay bar. Nung isang beses na nang-imbita si Ely ng mga modelong lalaki sa kanyang yunit, naabutan sila ni Oda. Sinabi daw sa kanya na baka mamaya siya pala ang pinupuntahan ng isa sa mga modelo.

 Para kay Jean, dala ng kabataan ang lahat ng nangyaring ito. Dalawang taon bago siya nagbukas ng sarili para sa panibagong pag-ibig kung saan nakilala niya si Hernan. Nagka-anak sila ng isa ngunit naghiwlay din nung taong 2008.

Taong 2011 nung maging boyfriend niya si Willie na isang Chinese. Responsable daw ito kumpara sa nakalipas na karelasyon. May seguridad siya dahil lagi siyang parte ng mga pangmatagalang plano nito sa buhay.

Hanggang nitong 2012 inaya siya ni Willie para magpakasal. Problema ngayon ni Jean ang  tungkol sa naunang kasal niya kay Oda. Gusto niyang klaruhin muna ang  “Divorce paper” nila bago siya tuluyang magpakasal kay Willie dito sa Pilipinas.

Itinampok namin sa CALVENTO FILES sa radyo “Hustisya Para Sa Lahat” ng DWIZ882 khz (tuwing 3:00 ng hapon) ang  kwentong ito ni Jean.

SA AMIN DITO SA CALVENTO FILES, nagtataka kami na lintik naman sa timing itong si Oda. Lumalabas sa pinto ang dati niyang kasal habang pumapasok naman ang bago niyang papakasalan, parang swinging door na labas-masok ang mga seremonya. Ang dapat na gawin ni Jean una sa lahat ay kumuha ng kopya ng Marriage Certificate ng unang kasal ni Oda mula sa National Statistics Office. Kapag nagawa niya yan, kahit sinong Pontio Pilato na didinig sa kasong ito ay mabilis na makikita na may “ayusan”(lagayan) na nangyari dito. Gamit ang dokumentong yon, maaring mapawalang bisa ang kasal nila sa pamamagitan ng pagsasampa ng kasong “Petition for Nullity of Marraige” dahil sa simula pa lamang “Void ab initio” ang kanilang kasal. Bakit? Bago ka makapagpakasal, kailangan makakuha siya ng “Certificate of No Legal Impediment” mula sa kanyang embahada, bilang patunay na siya ay kwalipikadong makapagpakasal sa ibang bayan. Impossible namang siya’y nakakuha nito sa kaparehong araw na naaprubahan ang kanyang divorce papers at kasal. Sa batas natin, kapag ikaw ay magpapakasal may 10 araw na kailangang antayin bago mabigyan ng marriage license(may kasamang seminar pa yan na dapat personal na daluhan ng mga magpapakasal). Bilang tulong, pinapunta namin si Jean sa Department of Justice Action Center  para masimulan na ang  mga paggawa ng mga legal na papel. (KINALAP NI PAULINE VENTURA)

Sa gustong dumulog ang  aming numero ay 09213263166 o 09198972854 o 09213784392 o 0906-7578527 . Ang  landline, 6387285/7 hotline 7104038. Maari din kayo magpunta sa 5th floor City State Center Blg. Shaw Blvd., Pasig City mula Lunes-Biyernes.

Follow us on twitter: Email: tocal13@yahoo.com

 

ISANG JEAN NIYA NUNG ODA PILIPINAS SIYA
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with