Liham ng mga taga-Sta. Cruz, Zambales kay PSN columnist Jarius Bondoc

DEAR EDITOR (Pilipino Star Ngayon) - January 1, 2013 - 12:00am

Magandang araw po sa inyo.

Ang mamamayan po ng Sta. Cruz, Zambales, sa pangunguna ng Concerned Citizens of Sta. Cruz (CCOS) ay matagal ng dumadaing sa kinauukulan hinggil  sa perwisyo ng pagmimina sa Zambales, partikular po sa Sta. Cruz. Naka-attached po ang mga reklamong ito. 

Sa ngayon po ay apat ang mining companies na gumagawa ng extraction ng nickel sa mga bundok ng Sta. Cruz at mahigit pong 500 hauling trucks ang mga humahakot ng tatlo o mahigit pang beses sa isang araw. Ang mga mining companies na ito ay ang Benguet, Eramen, Filipinas Mining at Zambales Diversified Minerals Corporation na kamakailan ay ipinagbili sa DMCI. Hindi po kaya ng port ng Sta. Cruz ang mga hinahakot na lupa, mga bato at mineral ores kung kaya kailangan ang mga karagdagang port sa bayan mismo ng Sta. Cruz at mga karatig na bayan ng Candelaria at Infanta.  

Kahapon po ay nakatanggap ng report ang isa na-ming kababayan mula sa regional director ng EMB na   ang nakuhang kalidad ng hangin sa Sta. Cruz ay 800ug/Ncm mula sa unang inireport na 1000ug/Ncm. Ang standard ay 300ug/Ncm. 

Sumulat na kami noon sa ilang mga taga media (Tulfo, Ted Failon, atbp), pero pati sila ay hindi pinapansin ang aming mga hinaing. Kaya po kami sumulat sa inyo ngayon. 

May mga dokomentasyon po kami at mga larawan na mga nakuha at ipinadala pero hindi pa din kami pinansin. 

Sana po ay matulungan ninyo kami na maiparating sa pambansang pamahalaan ang aming mga hinaing. 

Umaasa at gumagalang,

 

BENITO E. MOLINO, MD

Founding Chairperson, CCOS

benito molino <ben696molino@yahoo.com>

 

CONCERNED CITIZENS OF STA CRUZ FILIPINAS MINING FOUNDING CHAIRPERSON NCM STA TED FAILON ZAMBALES
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with