Enuf is enuf Congressman
- AL G. Pederoche (Pilipino Star Ngayon) - December 10, 2012 - 12:00am

TINGIN ko’y pinaka-tragic na pagkatalo ang tinanggap ni “people’s champ” Manny Pacquiao sa kamay ng Mexican boxer na si Juan Manuel Marquez. Akala ko hindi na siya makakabangon matapos tumanggap ng matinding suntok sa baba, dahilan para sumubasob siya sa lona. Tulug na tulog ang ating iniidolong kampeon at Kongresista ng Saranggani!

Parang kamakailan lang nang talunin siya ni Timothy Bradley sa isang desisyong kontrobersyal at maraming sumisigaw na na-“mafia” si Pacman. Posible nga na limpak-limpak na milyones ang kinita ng mafia sa labang yaon dahil natural na maraming pupusta sa liyamadong si Pacquiao kumpara sa underdog na si Bradley.

Noon pa man ay naghahangad na ako na kusa nang tuldukan ni Pacquiao ang karera sa boksing lalu na nang makakilala siya sa Panginoong Diyos. Tingin ko kasi, hindi nararapat sa isang taong binago ng Diyos na magpatuloy sa propesyong brutal at may kasamang pananakit sa kapwa. Isa pa, ang boksing ay nagagamit na sa katiwalian ng mga miyembro ng sindikato na puwedeng magdikta sa takbo ng laban.

Sa unang mga rounds ay  na-knock-down na si Pacman bagamat nakabawi siya matapos ma-knock-down din sa Marquez. Kita sa mga mata ni Pacman ang marubdob na hangaring pabagsakin din ang Mehikano pero iba ang kinalabasan.Kahit pulang-pula na at namamaga ang mga mata ni Marquez, ang pagbabara-bara nito’y naging dahilan para  halikan ni Pacquiao ang lona!

Mayroon pa bang mga nakalinyang laban para sa ating champion? Kung mayroon pa, sana siya na ang kusang umayaw.  Sa nangyaring pagbagsak niya kahapon, ang tayog na kanyang naabot ay siya ring lalim ng kanyang binagsakan.

Ang pagboboksing ay hindi panghabang buhay. Marami na siyang kara­ngalan at kayamanang na­kamit. Tama na iyon.

Talo man siya ngayon, hindi na siya mabubura sa kasaysayan ng Pilipinas na isa sa mga taong umani ng di mabilang na karangalan para sa bansa.

 

BRADLEY DIYOS JUAN MANUEL MARQUEZ MANNY PACQUIAO MARQUEZ PACMAN PACQUIAO PANGINOONG DIYOS SIYA TIMOTHY BRADLEY
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with