Pilipinas fastest growing economy
- AL G. Pederoche (Pilipino Star Ngayon) - December 3, 2012 - 12:00am

BINIBIGYAN tayo kamakailan ng magandang rating ng International Monetary Fund na one of the best countries for investment. Kasunod ito ng report na ang Pilipinas ang siyang may pinakamabilis na lumagong ekonomiya sa Southeast Asia.

Magandang balita pero hindi maiaalis sa maraming tao ang magduda porke, nahirati tayo sa kahirapan at ang hinihintay ng tao ay ang panahon na ang bawat pisong hawak nila ay maraming serbisyo at kalakal ang mabibili.

Para sa ordinaryong tao, ang sukatan ng pag-asenso ay yung maraming hawak na pera ang bawat isa o kaya ay marami silang nabibili sa bawat sentimong kinikita. Wika nga “strong purchasing power.” Kaso, paanong lalakas ang purchasing power ng mga Pilipino kung palaging sila ang nagpapasan tuwing maniningil ng bagong buwis ang gobyerno?

Kamakailan, sinabi ni BIR Chief Kim Henares na pati ang  Christmas bonus ng mga ordinaryong manggagawa ay bubuwisan na ng pamahalaan komo ito raw ay isa ring income.

Masalimuot ang pag-analisa sa ekonomiya at mahirap  maunawaan.  Sa sinasabing pag-asenso ng ekonomiya ay lumakas ang piso kontra sa dolyar. Ang isang dolyar ay nagkakahalaga na lamang ng kuwarenta pesos kumpara sa dating halos sinkuwenta pesos.  Dahil dito, ang dolyar na ipinadadala ng ating mga Overseas Filipino Workers (OFW) ay biglang bumaba ang halaga dahil sa paglakas ng piso. Hindi bale sana kung nadagdagan ang kanilang sahod pero hindi.

Naapektuhan din ang mga exporters dahil sa pagbagsak sa halaga ng dolyar.  Kaya sabi nga ng mga ekspertong pinansyal, kailangang gumawa ng paraan ang Banko Sentral ng Pilipinas para  mapigil ang pagbagsak ng halaga ng dolyar dahil may mga apektadong negosyo bukod pa sa katotohanang malaki ang kontribusyon ng mga OFW sa paglago ng  pambansang kabuhayan.

Pero iyan talaga ang epekto ng pag-unlad ng kabuhayan ng alinmang bansa na  dating lugmok sa kahirapan. Maaa-ring matagal ang magiging period of adustment pero kung magtutuloy-tuloy ang asenso, pihong makakapag-adjust tayo.

BANKO SENTRAL CHIEF KIM HENARES DAHIL INTERNATIONAL MONETARY FUND KAMAKAILAN OVERSEAS FILIPINO WORKERS PILIPINAS SOUTHEAST ASIA
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with